Wednesday, December 29, 2010

FILCOLS Booth sa Dagat ng Talinghaga








Lumahok ang Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. (FILCOLS) bilang exhibitor sa katatapos lamang na Pambansang Kumperensiya sa Panulaang Filipino. Ito ay ginanap noong 25-26 Nobyembre 2010 sa unang palapag ng Bulwagang Rizal, Faculty Center, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City.



Ang FILCOLS ay namukod-tanging exhibitor mula sa hanay ng mga exhibitor/publisher na lumahok sa pampanitikang okasyon. Sa gitna ng dagat ng mga aklat na karamihan ay ukol sa tula at talinghaga, ang booth lamang ng FILCOLS ang hindi nagbenta ng aklat. Bagkus ay namigay ito ng mga libreng IEC material mula sa Intellectual Property Office of the Philippines at mga membership form ng FILCOLS. Namudmod ng IEC materials at forms ang FILCOLS sa mga makata at manunulat na dumalo sa kumperensiya at sa mga manunulat/propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas.



Isa pang layunin ng paglahok ng FILCOLS sa okasyong ito ay upang maipakita ang suporta ng FILCOLS sa mga makatang Filipino. Buong mga tula ng ilang piling makatang Filipino ang kadalasang pinag-aaralan sa high school at kolehiyo. At kadalasan ding pino-photocopy nang buo ang mga tulang ito kung walang kopya ng aklat na paghahanguan ng tula ang mga estudyante. Walang tinatanggap ang mga makatang Filipino mula sa ganitong pagpo-photocopy ng kanilang mga tula.



Ang Pambansang Kumperensiya sa Panulaang Filipino ay hatid ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo, (LIRA) isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino, sa tulong ng Vibal Foundation.

UST para sa Unang Salang ng IP in the Age of Jejemon












“Makukulong po ba kami dahil sa pagpo-photocopy?”


Ito ay isa lang sa mga itinanong ng mga tagapakinig ng panayam na Intellectual Property in the Age of Jejemon.

Ang nabanggit na panayam ay ginanap noong 25 Nobyembre 2010 sa Commerce Audio-Visual Room, 5F Gusaling St. Raymund, Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila. Humigit-kumulang 50 estudyante ng Department of Economics mula sa College of Commerce and Business Administration ang dumalo at nagsilbing mga tagapakinig ni Alvin Buenaventura.


Hindi nakapagtatakang ganito ang mga tanong ng tagapakinig kay Ginoong Buenaventura, ang Executive Director ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. at ang nagbigay ng panayam sapagkat karamihan sa kanila ay nagsusulat na ng kani-kanilang mga thesis. At dahil dito, mas malaki ang pangangailangan nilang magbasa ng mga libro, journal, pahayagan at iba pa. Kung wala silang mahanap na orihinal na kopya ng isang partikular na babasahin sa aklatan, sa guro, sa kaklase o sa iba pang sources, wala silang ibang magagawa kundi ang ipa-photocopy ito.


Iligal nga ba ang photocopying kung akademya naman ang setting?


Malaki ang pangangailangan ng mga estudyante lalo na sa antas-tersiyarya na magkaroon ng mas malawak na kaalaman ukol sa karapatang-ari at intellectual property para na rin sa kanilang pag-aaral. Ngunit karamihan sa mga unibersidad ay ipinapasok ang dalawang mahalagang konseptong ito bilang paksa lamang sa mga subject na nakatuon sa pananaliksik.


Natanto ng FILCOLS na hindi sapat ang ganitong background ukol sa karapatang-ari at intellectual property para sa mga nasa akademya, mapa-estudyante man o propesor, lalong-lalo na ang mga iskolar. Kaya naisip ng FILCOLS na magbigay ng libreng panayam sa mga estudyante at propesor sa di-gradwado at gradwadong antas ukol sa dalawang konseptong ito. Noon isinilang ang panayam na IP in the Age of Jejemon.
Ang mga estudyante ng Economics sa UST ang naging unang mga tagapakinig.


Ang panayam ay ibinigay ni Ginoong Buenaventura sa wikang Filipino at tadtad ng mga halimbawa at sitwasyong matatagpuan sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya’t madaling naunawaan ng mga estudyante. Ipinaliwanag din ni Ginoong Buenaventura ang ugnayan ng intellectual property at ng ekonomiya ng Pilipinas upang ipakita sa mga estudyante kung paanong naaapektuhan ng mga pirata (gumagawa ng mga pirated na produkto) at ang pagtangkilik sa produkto ng mga ito ang kabuhayan ng kapwa nila Filipino.


Ang nabanggit na panayam ay hatid ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. (FILCOLS), UST Economics Society sa pangunguna ni Aldric Arriola, Department of Economics sa pangunguna ni Prop. Alma Aileen Almario-Miguel at ng UST College of Commerce and Business Administration sa pangunguna ni Dekana Socorro F. Calara.


Ang nagbigay ng pondo para sa ganitong gawain ng FILCOLS ay ang Norwegian Copyright Development Association (NORCODE) at KOPINOR. Ang NORCODE ay isang international copyright development group na sinusuportahan ng limang copyright societies: ang KOPINOR,GRAMO, TONO,BONO at ang NORWACO. Ang KOPINOR naman ay ang reproduction rights organization (RRO) ng Norway. Ang FILCOLS ang RRO ng Pilipinas.


Hinihikayat ng FILCOLS ang mga tagapangulo ng mga unibersidad at kolehiyo na magdaos ng mga katulad na gawain sa kani-kanilang paaralan. Ito ay para na rin sa paglilinang ng mas responsableng mga kasapi ng akademya, estudyante, propesor, mananaliksik at manunulat.


Bukas ang FILCOLS sa mga imbitasyon at/o panukala mula sa loob at labas ng Kalakhang Maynila. Mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Mga Likha at Pamumuhay

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS





Alam mo ba na ang pinakamahalagang bahagi ng koleksiyon ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay ang mga orihinal na kopya ng “Noli Me Tangere,” “El Filibusterismo,” at “Mi Ultimo Adios” ni Jose Rizal?


Nakakandado at napapalibutan ng komplikadong security systems ang mga akdang nabanggit sapagkat maikukumpara ang mga ito sa halaga ng ginto. Bilang national treasure, kailangang ingatan at protektahan ang mga ito.


Maliban sa may halagang pangkasaysayan at pampanitikan, ang mga akdang ito ni Rizal ang nagsisilbing salamin ng buhay ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol. Sa pamamagitan ng mga titik, salita, at pangungusap ay nabuo ang mga larawan ng mga Pilipino at maging ang kanilang saloobin, estilo ng pananamit, paboritong pagkain, itsura ng loob at labas ng mga gusali, at pangkalahatang overview ng pamumuhay noon.


Hindi kompleto ang ating larawan ng nakalipas kung wala ang mga akdang ito ni Rizal. Sa pamamagitan ng mga ito, patuloy na nabubuhay ang mga karakter nina Padre Damaso, Maria Clara, Ibarra, Pilosopo Tasyo, Isagani, at iba pa.


Ang mga likhang tulad ng tula, nobela, maikling kuwento, awit, eskultura, painting, at iba pa ay mahahalagang batis o source ng uri at/o antas ng pamumuhay ng isang yugto ng panahon.


Noong bago dumating ang unang Kastila sa Pilipinas, ang sinaunang tulang ito ay naglalarawan kung paanong nag-aalala ang isang tao sa kanyang minamahal:


Umulan man sa bundok,
Huwag sa dakong laot.
Aba si Kasampalok,
Nanaw nang di ko loob,
Walang baonang kumot.


Ang sinaunang tula ay natuklasan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario sa mga pahina ng diksiyonaryong Vocabulario de la Lengua Tagala.


Ihambing natin ito sa ilang linya mula sa makabagong tula ni Abdon M. Balde, Jr. na “Tren, tren, tren!”


Tren, tren, tren!
Pagkaganda-ganda
Ng aking umaga!
Mutyang nakilala
Sa Pasay kanina’y
Itsurang artista;
Sa Cubao din pala
Nag-oopisina.



Malinaw na iba na ang uri ng pamumuhay batay sa mga linya ng tulang ito. May pangalan na ang mga lugar at hindi na basta bundok o laot. Mayroon nang tren na sasakyang tumatawid sa magkalayong lugar ng Pasay at Cubao. Ang sukatan ng ganda ay kung may hawig na artista. At ang mukha ng artista ay kilala dahil sa panonood ng telebisyon at pelikula. Ang hanapbuhay ay pag-oopisina sa lugar na malayo sa tirahan (kaya kailangan pang sumakay ng tren). At hindi na kailangang magbaon ng kumot pag pumupunta roon.


Mahalaga ang mga likha noon sapagkat ang mga ito ang salamin ng mga nagdaang pamumuhay. Mahalaga ang mga likha ngayon sapagkat ang mga ito ang nagtatala ng ating kasalukuyang pamumuhay.


Kaya’t dapat lang na bukod sa pinahahalagahan at tinatangkilik ay pino-protektahan din ang mga akdang ito. Isang paraan ay ang paggalang sa kung sino ang lumikha ng mga akda.


Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.


Ang Buhay na Titik ay isang kolum na lumalabas sa Responde Cavite, isang lingguhang pahayagan mula sa Cavite City.

Thursday, December 23, 2010

FILCOLS' Buhay na Titik





Buhay na Titik is the name of the column written by FILCOLS' Executive Director Alvin Buenaventura. He writes about intellectual property, copyright, writing and publishing.

One of the aims of FILCOLS in maintaining the Buhay na Titik column is to raise awareness on intellectual property and copyright issues among the ordinary Filipinos. The column is written in Filipino, the national language, and in a very friendly manner.

Buhay na Titik is published in the Responde Cavite, a weekly newspaper from Cavite City owned and edited by a FILCOLS member Eros Atalia.

To request for a copy of the past issues of Buhay na Titik column, email us at filcols@gmail.com.


Meanwhile, here is the latest issue:


Mga Dahilan ng Paglikha

Bakit nga ba tayo lumilikha ng awit at musika, tula at nobela, painting at eskultura, sayaw at pelikula?

Sapagkat ito ay likas sa atin bilang tao. Ang paglikha ang siyang nagpapakita ng pag-iral ng isip at imahinasyon natin. Ang ibang nilalang sa mundo ay may utak din pero tayong mga tao lamang ang may kakayahang mag-isip, mag-imagine, at maglagay sa physical o visible form ng mga naiisip natin.

Masasabing ang paglikha ay sagot sa dalawang pangangailangan. Una ay para magbigay- solusyon sa isang problema. Ikalawa, para maihayag ang laman ng isip.

Halimbawa, kailangan natin ang tubig para mabuhay. Kaya lang, kailangang may lalagyan ang tubig para madali natin itong mainom. Puwede namang gamitin na lang ang kamay sa pag-inom. Pero pa’no kung madumi ang kamay natin? Ito siguro ang dahilan para ang mga sinaunang tao ay kumuha ng kahoy o bato na puwedeng gawing lalagyan ng tubig. Mula rito ay gumawa na sila ng mga basong mula sa putik o kaya nililok sa kahoy. Di nagtagal ay sa metal na at sa glass.

Dahil kailangan nating maghayag ng ating pagkamalikhain, ang metal na baso ay nagkaroon ng iba’t ibang hugis at nagkadekorasyon na rin. Maging ang mga basong babasagin ay nagkaroon ng mga kurba, kulay, at disenyo.

Ganito rin ang nangyari sa sandalyas at sapatos. Ito ay solusyon para magbigyang-proteksiyon ang mga paa habang naglalakad. Pero dahil sa pagkamalikhain natin, iba’t iba ang disenyo, kulay at porma ng mga ito.

Ang mga likha tulad ng awit at musika ay solusyon din sa problema. Noong bago pa maimbento ang pagsusulat at imprenta ay sa pamamagitan ng awit at musika lamang naisasalin ang kaalaman at kuwentong buhay ng sinaunang tao. Para hindi malimutan ang kuwento o kasaysayan ng isang pangkat ng tao ay inaawit ito at ipinamememorya sa mga bata para sila naman ang aawit at magkukuwento sa mga bagong kasapi ng pangkat.

Ngayong meron nang pansulat, imprenta, at computer, ang awit at iba pang likha ay naging solusyon para masabi ang mga saloobin. Puwedeng ang awit, tula o nobela ay pagsisiwalat ng galit sa korap na pinuno ng gobyerno. Puwede ring ang likha ay para mabigyang-solusyon ang problema sa kamangmangan. Puwede ring ang likha tulad ng painting ay pagbibigay-pugay sa isang mahal sa buhay o bayani.

Sa ngayon, ang paglikha ay kadalasang paghahayag ng pagiging creative. Hindi na kailangang lumikha ng baso dahil matagal na itong nalikha pero kailangang lumikha ng basong may bagong hugis, kulay, at disenyo. Bakit? Kasi nababato ang isip natin pag pare-pareho lang ang nakikita natin. Kailangan natin ng novelty o anumang bago sa paningin. Kailangan natin ng iba’t ibang hugis, kulay at disenyo para maaliw ang ating mata at siyempre ang isip.

Sa ngayon, ang dahilan sa paglikha ay para patuloy na malabanan ang problema ng kamangmangan at patuloy na maaliw ang isip ng mga taong nagbabasa, nakikinig, at nanonood. Kailangang labanan ang kamangmangan at pagkabato dahil puwede nating ikamatay ang mga iyan. Kailangan ng talino para umunlad ang buhay. At ang mangmang ang siyang napag-iiwanan. Kailangang maaliw para laging sariwa ang pananaw at may “flavor” ang buhay natin. At ang mga taong bato lang ang siyang tinaguriang “living dead”: buhay ang katawan pero patay ang isip.

Bakit dapat mong ayain ang biyenan mong umawit, magsayaw, magbasa, manood ng sine, at tumula? Alam mo na.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Fourth Quarter Accomplishments and Updates

We are pleased to present to you Fourth Quarter Accomplishments and Updates of FILCOLS.

Awareness and Membership Campaign

1. “FILCOLS Huntahan sa Cavite,” Espasyo Siningdikato, Dasmarinas, Cavite, 16 Oct. 2010
2. “FILCOLS Huntahan kasama ang KUTING,” CAL, UP Diliman, 20 Nov. 2010
3. “IP in the Age of Jejemon,” lecture-forum at the UST College of Commerce and Business Administration, 25 Nov. 2010
4. FILCOLS Booth at the Pambansang Kumperensiya sa Panulaang Filipino, CAL, UP Diliman, 25-26 Nov. 2010
5. Provided assistance to:
-author Nestor S. Barco for ISBN
-author Annette Lee Esparaz for Touchbooks: The First Picture Book for Filipino Blind Students
6. On-going assistance to:
-Prof. Apolonio Chua of UP Diliman for the “Linangan” textbook republication as module for UP Open University
-Prof. Delia Enriquez of De La Salle University- Dasmarinas for the Philippine Literature: A Regional Approach authors’ contact details.
-LIRA fellows’ poetry book for ISBN
7. New members: 30 authors, 2 publishers (Vibal and Ambitgoya)

Legislative Matters

1. NBDB Public Consultation on amendments to the IP Code, 22 Oct. 2010


National Relations

1. Induction of new FILCOLS Board of Trustees and courtesy visit to Director General Ricardo Blancaflor of IP Philippines.

International Relations

1. IFRRO Annual General Meeting, Boston, 25-28 Oct. 2010
2. Asia-Pacific Committee meeting in Tokyo, 1-2 Dec. 2010

Friday, December 17, 2010

FILCOLS Board of Trustees 2010-2012




Courtesy visit to
Director General Ricardo Blancaflor
at the Intellectual Property Office of the Philippines
20 October 2010



Isagani R. Cruz
Chair


Karina A. Bolasco
Vice-Chair

Lirio P. Sandoval
Treasurer

Javier P. Flores
Corporate Secretary

Gemino H. Abad
Member

Abdon M. Balde, Jr.
Member

Mariano L. Kilates
Member

Charlson L. Ong
Member

Rolando R. de Vera
Member

Virgilio S. Almario
Chairman Emeritus

FILCOLS was ON AIR


Last 13 December 2010, FILCOLS was invited in DWNX Plus to give a short talk about the organization and copyright in general.

The anchors of the radio program inquired about FILCOLS. Alvin Buenaventura, FILCOLS' Executive Director, gamely answered their questions. Then he invited the writers from the Bicol Region to join FILCOLS Huntahan sa Naga, an informal discussion for writers about writing, publishing, copyright and intellectual property. It would be held at the Ateneo de Naga University on 14 December 2010.

Atty. Mark Robert Dy, copyright consultant of IP Philippines, was also present. He discussed the objectives of IP Phils. and its projects that benefit the Filipino inventors, artists and creators. Introduction about UMPIL followed shortly. It was given by Abdon Balde, Jr. UMPIL’s chairperson. Bebang Siy, the Executive Officer of FILCOLS, was also asked to give a short message. She invited everyone especially the students to join FILCOLS’ IP in the Age of Jejemon lecture at the ADNU, 3:00 p.m. to 5:00 p.m.

The event ended with a photo-op and a thank you message to Mr. Al Ubaña and Mr. Jose Jason Chancoco, a Kabulig member who made this event possible.

DWNX Plus is the leading radio program in Naga City. It is under the Radio Mindanao Network station. With a talk show format, it discusses issues from current events in a serious and yet light tone. Anchors are station manager and veteran radio personality Al Ubaña and Ed Ventura.

Photo courtesy of Atty. Mark Robert Dy

FILCOLS visits a law school in the South


FILCOLS or Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. paid the College of Law of the University of Nueva Caceres (UNC) a visit in the morning of 14 December 2010.

Retired Judge Corazon A. Tordilla, the College of Law Dean, received FILCOLS Group in her office with warmth and openness. Alvin Buenaventura of FILCOLS, Atty. Mark Robert Dy of IPO Philippines and Abdon Balde, Jr. of UMPIL introduced to Dean Tordilla their respective organizations and agency. Alvin mentioned the ongoing recruitment of Rex Publishing as a member of FILCOLS and its significance in licensing agreement with law schools.

Literary writer and UNC Law School student Jose Jason Chancoco was the coordinator for this particular visit. He was also the one who reminded Dean Tordilla about the upcoming IP and copyright lecture/forums in Ateneo. She persuaded Jason to invite all of his classmates. The Dean also showed interest in holding an IP and copyright lecture/forum in their university in the future. She said she believes that it is the studentry that will benefit the most with this kind of project.

The visit ended with a photo-op.

University of Nueva Caceres is Bicol’s first university. It is located at Jaime Hernandez Street, Naga City. Its law school produced some of the country’s bar topnotchers.

Photo courtesy of Atty. Mark Robert Dy

FILCOLS’ I.P. In the Age of Jejemon jumps to Ateneo de Naga

FILCOLS held its second IP in the Age of Jejemon lecture in the south!

IP in the Age of Jejemon jumped south last 14 December 2010. The lecture was held at the Sch. Richard Michael Fernando Conference Hall, Ateneo de Naga University, Naga city, Camarines Sur. Almost forty students (coming from Development Communications and other courses) and professors from Ateneo de Naga University attended the event. Alvin Buenaventura, the executive director of FILCOLS, presented some powerpoint slides about the connection of the Philippine economics, intellectual property, education and the students’ culture.

The participants were very attentive because the speaker seldom spoke in English. He delivered the lecture in Filipino, sprinkling some technical terms in English now and then. Among the matters he discussed is the connection of US Trade Report, the Bicolano farmers and the newest pirated DVD copy of Narnia.

After the lecture, an open forum followed. One professor shared his experience with a company that commissioned him. He was asked to make a software program and was paid accordingly. But after some time, he was surprised to find out that the company altered the software program and sold copies of it to other companies.

Atty. Mark Robert Dy, the copyright consultant of IPO Philippines, stated that the company didn’t have the right to do that. The company bought only one copy of the software program and by default, didn’t have any right to reproduce it or a substantial part of it as well.

Afterwards, students threw in questions like: what is your reaction to the Supreme Court’s decision in the recent plagiarism case?

The lecture/forum didn’t have enough time to answer all the queries from the enthusiastic students. But Alvin Buenaventura encouraged them to send queries to his personal email address and the FILCOLS email address.

FILCOLS IP in the Age of Jejemon project aims to help the students be aware of what they can do for the country through respect for IP. The first lecture was held in College of Commerce and Business Administration, University of Santo Tomas. The lecture in Naga was organized by Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. (FILCOLS), with the cooperation of Kabulig Writers headed by Ateneo professor Victor Dennis T. Nierva and the Social Sciences Department of Ateneo de Naga University. Sponsors are Norway’s Norcode and Kopinor.

FILCOLS Huntahan Goes Regional
















FILCOLS Huntahan is now ready (and very excited) to explore the regions!

Last 14 December 2010, FILCOLS Huntahan was held in KDC, Father James O’ Brien Library, Ateneo de Naga University, Naga City, Camarines Sur. More than thirty individuals attended. Some were writers from Kabulig, one of the co-organizers of the event, Ateneo de Naga, Gainza Central andCentral Bicol State University of Agriculture (CBSUA). The others were law students from University of Nueva Caceres, librarians from Ateneo de Naga and representative of ADNU’s University Research Council.

At 1:15 p.m., FILCOLS Huntahan started with an opening message from Victor Dennis T. Nierva, the president of Kabulig and a professor from the ADNU Social Sciences Department. It was followed by a powerpoint presentation of Atty. Mark Robert Dy, copyright consultant from Intellectual Property Office of the Philippines. Alvin Buenaventura, the executive director of Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. (FILCOLS) also gave a talk about copyright as writers’ human rights. A number of writers shared some of their experiences with abusive publishers. Some also asked questions like this one:

Q. The draft of my article was published a long time ago in a university publication. Recently, I revised and updated it. I had it published again but in another publication. The editorial group from the university publication where my article first came out sent me a letter stating that I didn’t have the right to do that. Is it true?

A. Atty. Mark Robert Dy replied, “if you didn’t sign any contract, no.” He added that according to the IP Code of the Philippines, in absence of written agreement or contract, the author, a natural person, still owns the copyright to works he/she created. Thus giving him/her the right to publish the work anywhere and anytime.

Abdon Balde, Jr., the chairperson of Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas and a FILCOLS Board Member followed shortly with his introduction about UMPIL. He encouraged the writers to join organizations so that they can move as a bigger and more powerful entity.

The participants brought up a lot of copyright issues.

One writer/researcher shared her experience about being invited to present a research paper she authored in a conference in United Kingdom. She went and presented her paper and came home very happy and elated. Everything was paid for by the organizers. Soon, she found out that the organizers published a book containing all the papers that were presented in the conference. Although she felt proud to be included in the book, she still felt violated because she wasn’t informed about it and neither did she get any compensation for its publication.

Before the Huntahan ended, Aida B. Cirujales, the queen of Tigsik (an indigenous form of poetry in the Bicol Region) showed everyone what she’s got. She recited her own poems in Filipino and Bicol. They were about the importance of the event to the writers from this side of the country.

FILCOLS and UMPIL distributed membership forms to the participants and invited everyone to join the organizations.

FILCOLS Huntahan sa Naga aims to help writers (from Naga and from the neighboring towns) be more knowledgeable about their rights and to campaign for respect for intellectual property. It was organized by Filipinas Copyright Licensing Society, Inc., Kabulig Writers and the Social Sciences Department of Ateneo de Naga University.

FILCOLS receives support from the Norwegian Copyright Development Association (NORCODE) and Kopinor. NORCODE is an international copyright development group funded by five copyright societies namely KOPINOR, GRAMO, TONO, BONO and NORWACO. KOPINOR is the reproduction rights (RRO) of Norway while FILCOLS is the RRO of the Philippines.

The next FILCOLS Huntahan will be on January 28, 2011 in Lingayen, Pangasinan.

Thursday, December 16, 2010

Iba pang Karapatan ng Awtor sa Kanyang Gawa

16 Disyembre 2010

Buhay na Titik
ni Alvin J. Buenaventura ng FILCOLS


Marami pang karapatan ang awtor sa kanyang gawa. Narito:

Ang adaptation ay ang pagbibigay ng bagong anyo sa isang akda.Halimbawa: ang nobela ni Frida Mujer na "Mingaw" ay ginawang pelikula. Mula sa aklat na binubuo ng mga titik at salita ay naipapaabot ito sa mga consumer o manood sa pamamagitan naman ng mga gumagalaw at nagsasalitang artista.

Kung gagawin namang graphic book o komiks ang "Mingaw" adaptation pa rin ang tawag dahil ang bagong anyo nito ay ang mga guhit mula sa malikhaing kamay ng artist.

Upang ma-adapt ang "Mingaw" kailangang humingi ng permiso ang producer ng pelikula o ang artist at kanyang publisher mula kay Frida Mujer. Kasama rin dito ang kasunduan kung magkano ang karampatang bayad sa pagsasapelikula o pagsasa-graphic book o komiks at ang bahagi o percentage mula sa kita ng bagong anyo ng orihinal na akda.

Kung magustuhan naman sa Korea ang "Mingaw" dahil may mga eksena ito sa Seoul, South Korea, maaari naman itong isalin sa Korean language.

At ang pagsasadula naman nito sa stage o teatro ay masasabing performance ng akda para sa ibang audience na mahilig sa ala-Broadway na palabas.

At para ma-enjoy nang husto ng biyenan mo ang maiinit na parte ng "Mingaw" ay maaari itong ma-adapt para mai-broadcast sa radyo. Maaari din itong ma-adapt bilang teleserye para naman sa TV. ‘Yon nga lang, pang-gabi ang pagpapalabas dito para tulog na ang mga bata.

Ang siste sa translation, performance at broadcasting: kailangan talaga ng permiso ni Frida Mujer at kailangan siyang mabigyan ng karampatang bayad para sa bawat transpormasyon ng kanyang akda.

Ang dahilan ay
1. kikita rin naman ang magsasalin nito saKorean dahil maraming manonood nito sa Seoul at iba pang panig ng Korea.
2. Mahal ang tiket sa ala-Broadway na pagpapalabas ng "Mingaw" kaya dapat na may kita rin ang awtor dito.
3. Ang pagpapalabas o broadcasting nito sa radyo at TV ay isang uri din ng stage show, iba nga lang ang equipment. At siyempre, siguradong kikita ang producers nito dahil maraming sabong panlaba ang mag-aadvertise dito. (Kaya "soap opera" ang tawag sa mga show sa radyo at TV noon dahil ang mga nag-a-advertise o sponsor ng show: puro sabon. Kahit na tawagin pang teleserye, fantaserye, telenovela, Koreanovela o Fridanovela, maipapalabas lamang ang "Mingaw" dahil sa mga sponsor nito. At sila ang nagbabayad ng milyong piso sa mga radyo at TV para mas marami ang bumili ng sabon nila.
Masasabing ang mga kumpanyang ganito ay katulad ng mga patron noong panahon ng mga hari at reyna, na-modernize na lang. Ang mayayamang patron lang kasi noon ang may kakayahang magbigay-hanapbuhay sa mga awtor at alagad ng sining.

Parang consumer is king lang ‘yan.Dahil sa totoo lang, ang milyong consumers na bumibili ng mga produkto tulad ng shampoo o cellphone service ang siya namang nagpapalago sa mga kumpanyang ito. At ang mga kumpanya naman ay kailangang regular na mag-advertise sa sikat na mga radio at TV show para parating ma-engganyo ang mga consumer at tangkilikin ang kanilang produkto o serbisyo. At ang mga manunulat, artista, producer, at iba pa ay patuloy na gumagawa ng shows o akda para may maipalabas, maibahagi sa iba at parasila mismo ay mabuhay. Na siya namang hinihintay ng mga manonood at tagapakinig. At siya rin namang hinihintay ng mga kumpanya.

O, di ba, parang cycle lang iyan? Awtor>Frida Mujer>Gawa>Mingaw> Media>Radio at TV>Sponsor> Kumpanya ng sabon o mobile company> Manonood/Consumer> Masang Pinoy. Bibili ang masang Pinoy ng shampoo na magpapalago sa kumpanya na magbabayad sa media na magbabayad kay Frida Mujer. At gagawa ulit ng bagong akda ang awtor dahil may pambili na siya ng pagkain at pambayad sa upa sa bahay at pambayad na ilaw at tubig at pambili ng shampoo. Parang cycle nga. Paikot-ikot lang.

Ang ibang mga karapatang nabanggit ay katulad ng pagbibigay ng bagong anyo sa recipe ng turon ng biyenan mo. Para mas lumaki ang kita ng biyenan mo, i-suggest mo na magluto rin siya ng kamoteron, talongron, kundolron, patolaron, labanosron, at iba pa sa paligid-ligid ng bahay-kubo.


Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Sunday, December 12, 2010

Mga Dahilan ng Paglikha

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS




Bakit nga ba tayo lumilikha ng awit at musika, tula at nobela, painting at eskultura, sayaw at pelikula?

Sapagkat ito ay likas sa atin bilang tao. Ang paglikha ang siyang nagpapakita ng pag-iral ng isip at imahinasyon natin. Ang ibang nilalang sa mundo ay may utak din pero tayong mga tao lamang ang may kakayahang mag-isip, mag-imagine, at maglagay sa physical o visible form ng mga naiisip natin.

Masasabing ang paglikha ay sagot sa dalawang pangangailangan. Una ay para magbigay- solusyon sa isang problema. Ikalawa, para maihayagang laman ngisip.

Halimbawa, kailangan natin ang tubig para mabuhay. Kaya lang,kailangang may lalagyan ang tubig para madali natin itong mainom. Puwede namang gamitin na lang ang kamay sa pag-inom. Pero pa’no kung madumi ang kamay natin? Ito siguro ang dahilan para ang mga sinaunang tao ay kumuha ng kahoy o bato na puwedeng gawing lalagyan ng tubig. Mula rito ay gumawa na sila ng mga basong mula sa putik o kaya nililok sa kahoy. Di nagtagal ay sa metal na at sa glass.

Dahil kailangan nating maghayagng ating pagkamalikhain, ang metal na baso ay nagkaroon ng iba’t ibang hugis at nagkadekorasyon na rin. Maging ang mga basong babasagin ay nagkaroon ng mga kurba, kulay, at disenyo.

Ganito rin ang nangyari sa sandalyas at sapatos. Ito ay solusyon para magbigyang-proteksiyon ang mga paa habang naglalakad. Pero dahil sa pagkamalikhain natin, iba’t iba ang disenyo, kulay at porma ng mga ito.

Ang mga likha tulad ng awit at musika ay solusyon din sa problema. Noong bago pa maimbento ang pagsusulat at imprenta ay sa pamamagitan ng awit at musika lamang naisasalin ang kaalaman at kuwentong buhay ng sinaunang tao. Para hindi malimutan ang kuwento o kasaysayan ng isang pangkat ng tao ay inaawit ito at ipinamememorya sa mga bata para sila naman ang aawit at magkukuwento sa mga bagong kasapi ng pangkat.

Ngayong meron nang pansulat, imprenta, at computer, ang awit at iba pang likha ay naging solusyon para masabi ang mga saloobin. Puwedeng ang awit, tula o nobela ay pagsisiwalat ng galit sa korap na pinuno ng gobyerno. Puwede ring ang likha ay para mabigyang-solusyon ang problema sa kamangmangan. Puwede ring ang likha tulad ng painting ay pagbibigay-pugay sa isang mahal sa buhay o bayani.

Sa ngayon, ang paglikha ay kadalasang paghahayag ng pagiging creative. Hindi na kailangang lumikha ng baso dahil matagal na itong nalikha pero kailangang lumikha ng basong may bagong hugis, kulay, at disenyo. Bakit? Kasi nababato ang isip natin pag pare-pareho lang ang nakikita natin. Kailangan natin ng novelty o anumang bago sa paningin. Kailangan natin ng iba’t ibang hugis, kulay at disenyo para maaliw ang ating mata at siyempre ang isip.

Sa ngayon, ang dahilan sa paglikha ay para patuloy na malabanan ang problema ng kamangmangan at patuloy na maaliw ang isip ng mga taong nagbabasa, nakikinig, at nanonood. Kailangang labanan ang kamangmangan at pagkabato dahilpuwede nating ikamatay ang mga iyan. Kailangan ng talino para umunlad ang buhay. At ang mangmang ang siyang napag-iiwanan. Kailangang maaliw paralaging sariwa ang pananaw at may “flavor” ang buhay natin. At ang mga taong bato lang ang siyang tinaguriang “living dead”: buhay ang katawan pero patay ang isip.

Bakit dapat mong ayain ang biyenan mong umawit, magsayaw, magbasa, manood ng sine, at tumula? Alam mo na.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang safilcols@gmail.com.

Wednesday, December 8, 2010

Reproduction Right: Isa pang Karapatan ng Awtor sa Kanyang Gawa

Buhay na Titik
ni Alvin J. Buenaventura ng FILCOLS



Masarap kumain ng bagong lutong turon lalo na kung ang turon ay ‘yong napupuluputan ng matatabang hiwa ng langka. Pagkakain, dapat lang na magbayad ka dahil kabuhayan ito ng iyong biyenan. Burp.

Puwede nating ihambing ang turon sa isang gawa o akda ng awtor. At ang pagkain o pag-ubos dito ay maituturing ding pagkonsumo ng akda o likha. Ang kakaibang lasa dahil sa espesyal na timpla ay ang orihinal na expression ng ideya na siya namang binibigyan ng copyright. Para naman sa kakaibang lasa ng turo ng biyenan mo, maaaring iparehistro ito bilang isang trade secret. May ganyan. Halimbawa na lang ay ang timpla ng Coke o di kaya ay ang timpla ng barbecue sauce sa Aristocrat Restaurant.

Bukas sa lahat ng nais magmeryenda ang isang turon basta’t ito ay ibinibenta. Maihahambing naman ito sa karapatan ng publiko na ma-access ang isang akda o likha. At ang pagbibigay ng tamang bayad para sa isang turon doon sa nagluto ng turon ay katumbas naman ng just remuneration o karampatang bayad ng publiko sa pagkonsumo ng akda o likha.

Hindi lang isang turon ang niluluto ng biyenan mo, di ba? Maraming-marami, mga 500 piraso sa isang araw, para marami din siyang mabentahan na tao. Kikita siya nang marami kahit iisa lang naman ang lasa ng kanyang turon.

Ito naman ay ang reproduction right o karapatan ng awtor na magparami ng sipi ng kanyang akda o likha para mas marami din ang makakonsumo nito. Siyempre, mas marami ang mag-e-enjoy o matututo, at ang balik, siyempre ay mas marami ang magbabayad na siyang bahagi ng ikinabubuhay ng awtor.

Kaya masasabing ang bawat gawa at ang mga sipi nito ay may economic power. Ibig sabihin, kaya nitong kumita. Ibig sabihin, kaya nitong magbigay-buhay. Sino ang bibigyang-buhay? E, di iyong gumawa ng bawat gawa at mga sipi.

Samakatuwid, ang gawa at mga sipi ay kabilang sa hanapbuhay ng mga awtor.

Ito ba ay ayon sa batas? Aba’y oo naman.
Ayon sa Intellectual Property Code of the Philippines (mula sec. 177), ang awtor ay may mga karapatan, bukod sa reproduction right, tulad ng adaptasyon, pagsasalin, pagtatanghal at pagbo-broadcast ng kanyang mga akda.

Ang salitang right diyan ay kumakatawan sa dalawang karapatan: ang moral right at ang economic right. Moral, karapatan na kilalanin bilang awtor, at economic, karapatan na kumita bilang orihinal na tagapaglikha.

Sa susunod na Buhay na Titik, tatalakayin naman natin ang iba pang mga karapatan tulad ng adaptasyon, pagsasalin, pagtatanghal at pagbo-broadcast ng mga akda ng isang awtor.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Tuesday, November 23, 2010

Reproduction right: para sa awtor

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS

Reproduction right: para sa awtor

Ang awtor ng orihinal na akda o likha ay binibigyan ng proteksiyon ng batas sa pamamagitan ng copyright. Kung patay na ang awtor, ang copyright ay mapupunta sa kanyang pamilya. At ang pamilya o tagapagmana ng copyright ay may proteksiyon din sa ilalim ng batas sa loob ng 50 taon.

Ibig sabihin ang bawat manunulat, eskultor, pintor, o kompositor ay may karapatan sa kanilang akda o gawa. At kung patay na sila, ang kanilang mga tagapagmana ang may exclusive right o tanging karapatan na gamitin o bigyang awtorisasyon ang ibang tao na gamitin ang nasabing akda o gawa.

Ang copyright ay binubuo ng moral right at economic right. Ang moral right ay ang karapatan ng awtor na makilala bilang siyang may-akda. May karapatan siyang ihinto o bigyang-pahintulot ang anumang hakbang para baguhin ang kanyang akda o gawa. Ang economic right ay ang karapatan ng awtor na kumita at magkaroon ng benepisyo mula sa kanyang pinagpaguran at iyon ay walang iba kundi ang kanyang akda.

Paano nagkakaroon ng kita o benepisyo ang awtor sa kanyang akda o likha? Isa sa mga karapatan ng awtor ang reproduction right. Ito ay ang pagpaparami ng sipi upang mabasa, marinig, o mapanood ng mas maraming tao. Ang right na ito ay nakapaloob din sa copyright.

Noong panahon ng mga hari at reyna, ang pinagmumulan ng kita ng mga awtor, kompositor, eskultor, at pintor ay ang pagkakaroon ng mayaman at makapangyarihang patron o customer tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, papa (pope), o obispo.

Ang mga patron lamang ang may kakayahang magbigay ng libreng tirahan, pagkain, suweldo, gamit, at proteksiyon sa mga malikhaing tao. Halimbawa, ang mga Papa tulad nina Leo X at Julius II ay mga patron ng sikat na pintor na si Michaelangelo. Dahil pinuno ng simbahang Katoliko ang mga ito, ang mga larawang ipininta ni Michaelangelo ay may temang relihiyoso.

Iba-iba naman ang patron ni Leonardo da Vinci kung kaya’t iba-iba rin ang tema ng kanyang sining: may relihiyoso, may portrait ng mga negosyante o di kaya ay noble at ang kanilang mga asawa at marami pang iba.

Ganito rin ang siste sa musika kaya ang ibang komposisyon ni Beethoven ay ginawa para sa kasiyahan ni Prinsipe Lobkowitz na isa sa mga patron niya.

Kumbaga ay naging personal photographer ng mayayaman noon ang mga pintor at personal musician ang mga musikero.

Pero dahil sa teknolohiya ay hindi na kailangan ang ganitong sistema. Kahit ang biyenan mo ay nagiging instant photographer dahil sa bagong cellphone na may camera. At siyempre bawal kang magkomentaryo pag sumigaw siya ng cheese! Ngiti ka naman kahit ang hilig ng biyenan mo kumuha ng picture mula sa tagiliran. Kaya tabingi ang katawan at mga ngiti ninyo sa picture.

Sa ngayon ay bihira na lamang ang mga patron of the arts. Silang ang mayayamang pilantropo na nagtatayo ng mga museo o nagbubukas ng kanilang tahanan para sa mga malikhaing tao tulad ng pamilya Ayala na nagtayo at nagtataguyod ng Ayala Museum. O kaya ay mga korporasyon na nagpapakomisyon ng likhang sining tulad ng Petron Gas. Minsan ay may mga ahensiya rin ng pamahalaan na tumatayong patron ng sining tulad ng National Commission for Culture and the Arts at ng Government Service Insurance System.

At para patuloy na makalikha ang mga awtor at alagad ng sining ay umaasa sila sa isang mahalagang karapatan sa ilalim ng copyright: ang reproduction right o karapatang magparami ng kopya ng kanilang gawa.

Ang reproduction right ang dahilan para mailimbag nang maramihan ang isang akda. Dahil marami ang kopya ay mas marami ang makakabasa at bibili ng akda. Dito kumikita ang awtor (royalty ang tawag dito) at ang publisher. Ito ang bumubuhay sa publishing industry.

Ganito rin ang siste sa music industry. Kailangan din ang music publisher upang mamuhunan sa pagpa-publish ng awit at musika sa mga CD at iba pang media. Ang pagpapatugtog sa mga radio, TV, pelikula, konsiyerto, o commercial establishment ay siyang pinagmumulan ng kita ng mga musikero, kompositor, mang-aawit, at iba pang naghahanap-buhay sa industriya ng musika.

Mahalaga at makapangyarihan ang reproduction right dahil ito ang siyang nagbibigay daan para mas malawak ang maabot na audience ng akda o likha. Ang audience na ito rin ang siyang matatawag na end user o consumer. At dahil ginamit ang akda, na-enjoy at na-consume ng publiko dapat lang na bayaran ang mga gumawa nito: ang mga awtor at publisher.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Wednesday, November 17, 2010

Pagkakapantay-pantay sa Copyright

Buhay na Titik
ni Alvin J. Buenaventura ng FILCOLS

Alam mo bang lahat tayo ay may kaugnayan sa copyright. Nagulat ka, ‘no? Ganito ‘yon: ang copyright ay ‘yong maliit na titik na C sa loob ng isang maliit na bilog. Madalas itong matatagpuan sa mga libro, sa unang pahina to be exact. Kaya ang madalas na alam natin ay para sa libro lamang ang copyright.

Pero hindi. Ang copyright ay proteksiyon na ibinibigay ng batas hindi lang para sa mga libro kundi para sa awit, musika, painting, illustration, drowing, design, tula, nobela, at iba pang akda o likhang siyentipiko, artistiko, at pampanitikan.

Kung ilalagay sa isang balance scale ang copyright, nasa isang bahagi ang consumer, nasa kabila naman ang author.

Alam natin kung sino ang author, di ba? Ang malikhaing tao na nagtiyaga, naglaan ng panahon at naglaan ng resources para lang makapagluwal ng akda o likha.

Hindi biro ang maging isang author dahil matagal na panahon ang ginugugol niya para maging eksperto sa kanyang larang. Halimbawa, para makapagsulat ng teksbuk, mahabang panahon ang iginugugol sa pananaliksik, pagsusulat at paglilimbag. Hindi puwedeng kahit sino na lang ang magsusulat ng teksbuk na pag-aaralan natin.

Papayag ka bang ang magsusulat ng teksbuk para sa mga doktor ay walang sapat na kaalaman sa anatomy o pag-oopera? Papayag ka bang manirahan sa isang gusaling ginawa ng arkitekto na ang disenyo ay hindi pasok sa standard ng mga gusali?

Maski ang biyenan mo ay hindi magpapagamot kung kaduda-duda ang kakayahan ng doktor. At hindi niya bibilhin ang gusaling ibinebenta sa kanya kung di naman pulido ang disenyo at pagkakagawa nito. (Siyempre alam din naman natin na walang pambili ng building ang biyenan mo. Pero pagbigyan na natin siyang mangarap dito sa ating column.)

At sino naman ang consumer? Aba, tayong lahat ito na nakikinabang sa akda o likha ng author. Consumer tayo. Ibig sabihin nakokonsumo natin ang akda o likha matapos pakinggan ang awit ni Willie Revillame, matapos mahulog sa upuan sa katatawa sa pelikulang Here Comes the Bride, matapos kang ma-inlab at maiyak sa nobela ni Frida Mujer, matapos kang makatangap ng grade sa propesor mong malupit (malaking tulong ang pagbabasa mo ng teksbuk), matapos mong gamitin ang picture o drowing, at iba pa.

Ano ngayon ang ibig sabihin ng pagkakapantay-pantay sa copyright? Ang author ay gumagawa ng akda o likha bilang expression ng kanyang pagkamalikhain. Dalawang interes ang lumalabas sa gawaing ito: moral interest at material interest. Moral interest ay ang karapatan ng author na makilala bilang taong lumikha. Material interest ay ang karapatan ng author na kumita mula sa kanyang akda sa pamamagitan ng pagpaparami ng sipi o kopya nito.

Para magkaroon ng balance sa scale na nabanggit ko kanina, dapat lamang na may access o paraan ang consumer na mabasa, marinig o makita ang akda. At hindi ito ma-eenjoy ng mga consumer kung iisa lang ang sipi o kopya ng akda o likha.

Para patuloy na makagawa o makalikha ang author, dapat ay may malakas siyang katawan, sapat na pagkain, tirahan, at iba pang amenities para sa isang disente o makataong pamumuhay.

Magkakaroon lamang ng balance sa scale kung ang bawat consumer na gumagamit ng mga sipi o kopya ng akda o likha ng author ay magbabayad nang sapat. Kabuhayan ito ng author kaya dapat lang na mabuhay siya nang marangal mula sa katas ng kanyang pinagpaguran.

Ang pagkakapantay-pantay sa copyright ay matatamo kung ang moral at materyal na interes ng author ay pinapahalagahan ng mga consumer habang ang mga consumer naman ay nakaka-access o may paraan para magamit ang akda o likha ng author.

Ang proteksiyon ng copyright ay iginagawad lamang sa lifetime ng author at 50 taon matapos siyang mamatay. Pagkalampas nito, ang akda o likha ay matatawag na out of copyright. Mapupunta na ito sa public domain kung saan maaari na itong gamitin ng publiko kahit kailan at sa anumang paraan.

Sa proteksiyong ito, masasabing nakinabang na ang author at ang kanyang mga anak o apo. At pag nasa public domain na ay malaya na itong magagamit ng iba pang author o ng publiko.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Wednesday, November 10, 2010

Karapatang Pantao ng mga Awtor

Buhay na Titik
ni Alvin J. Buenaventura ng FILCOLS



Madalas na ang pinagtutuunan ng pansin ng media ay ang human rights violations na dinadanas ng mga journalist at political detainees.

Madali at madalas kasi itong pag-usapan sa radyo o TV. Konting paliwanag lang
ang kailangan kapag mayroong napatay o na-torture, nauunawaan agad ng manonood o tagapakinig ang kahulugan ng human rights. Ika nga, e, plain and simple na
paglabag sa karapatang pantao once na nawalan nang buhay ang tao o kaya ay
sarado na ang mata dahil sa bugbog.

Alam mo bang talamak din ang violations sa human rights ng mga awtor?

Iyan ay sa tuwing hindi sila nababayaran nang sapat!

Teka, teka hindi ka ba nagulat na may human rights din pala ang mga
awtor? Oo naman. Kapag gumamit ka ng akda ng isang awtor o art work ng
isang artist nang walang paalam o sapat na bayad ay nilalabag mo ang
kanyang human rights.

Ayon sa Universal Declaration of Human Rights na inilabas ng United
Nations, ang lahat ng tao ay may karapatang magtrabaho, may layang
pumili ng trabahong gusto niya, magtrabaho sa isang makatarungan at
maayos na lugar, at may proteksiyon laban sa pagkawala ng trabaho. (Artikulo
23.1).

Ang awtor na nagsusulat ng tula, nobela, artikulo, o teksbuk ay
nagtatrabaho rin, hindi ba? Ang pagsusulat ang kanyang kabuhayan upang mapanatiling malakas ang katawan (may pambili ng makakain) at maitaguyod ang pamilya. Ganito rin ang awtor ng painting, drowing, o visual arts. Ito rin ang pinagmumulan ng kita nila para mapakain ang sarili at pamilya.

Kung hindi magiging sapat o tama ang bayad sa awtor, ito ang magiging
dahilan para siya at ang kanyang pamilya ay hindi makakain nang tama o sapat.

Malinaw rin ito sa Universal Declaration of Human Rights kung saan
sinabing ang sinumang nagtatrabaho ay dapat na makatanggap ng just at
favorable na suweldo para sa kanyang sarili at para magkaroon siya ng
kakayahan na bigyan ang kanyang pamilya ng "existence worthy of human
dignity" (Artikulo 23.3).

Ang awtor ng gawang siyentipiko tulad ng scientific articles o
libro, mga gawang panliteratura tulad ng mga tula o nobela, mga gawang
pansining tulad ng mga painting o drowing na nailathala ay nagkakaroon ng
moral at material na interes sa kanilang mga gawa.

Ang moral na interes ay nagbibigay-karapatan sa awtor na makilala bilang
siyang pinagmulan ng gawa. Bilang "ama" o "ina" ng gawa, dapat lang na
makilala siyang awtor nito. At kasama rito ang pagbibigay-pahintulot sa sinuman na nais gumamit ng kanyang gawa.

Ang materyal na interes naman ay karapatan ng awtor na kumita sa kanyang gawa
dahil ito nga ang kanyang hanapbuhay.

Ano kaya ang mararamdaman mo kung trabaho ka lang nang trabaho pero wala
ka namang suweldo?

Ganito rin ang lagay ang mga awtor. Ang kabuhayan nila ay ang
gumawa ng mga akda o likha. Dahat lang na kumita sila nang sapat dahil
ito ay kasama sa kanilang karapatan bilang mga tagapaglikha.

Subukan mong hindi magbayad sa turon na niluto at ngayon ay ibinebenta ng biyenan mo at siguradong malaking away ito. Bakit? Siyempre, kabuhayan niya ito at dapat lang namang magbayad ka.

Kaya sa susunod na gagamit ka ng akda o likha, pakaisipin mo ang kabuhayan at human rights ng mga lumikha nito.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Wednesday, November 3, 2010

Copyright: para naman sa mga awtor

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS


Ang mga may-akda o may likha ay tinatawag ding awtor. Ang mga awtor ng tula, maikling kuwento, nobela, scientific article, mga sermon, balita, awit, musika, at iba pa ay may karapatan sa kanilang gawa. Gayundin ang mga arkitekto, pintor, visual artist, computer programmer, at iba pang awtor ng mga likhang siyentipiko, pampanitikan o pansining.

Copyright ang tawag sa proteksiyong ibinibigay ng batas sa mga awtor. Ito ay isang bungkos ng mga karapatan na nasa kamay ng mga awtor habang sila ay nabubuhay. Protektado sila at ang kanilang mga akda hangga’t sila ay nabubuhay sa mundong ibabaw. At mananatili silang protektado hanggang 50 taon mula sa araw ng pagpanaw ng (mga) awtor.

Ang bungkos ng karapatan ay nahahati sa dalawa: ang moral rights at economic rights. Dahil sa moral rights, ang mga awtor ay may karapatang makilala bilang may-akda ng nasabing gawa. Kanila ang byline ng isang akda, sa madaling salita. Ang mga awtor lang din ang may karapatang pigilan o pahintulutan ang sinuman na nais maglapat ng pagbabago sa kanilang orihinal na gawa.

Sa economic rights naman nakapaloob ang karapatan ng mga awtor na kumita o tumanggap ng royalty mula sa kanilang mga gawa.

Ano-ano ang economic rights ng mga awtor? Paano sila maaaring kumita pa sa kanilang mga gawa?

Ang pinakauna ay ang reproduction right o karapatan ng mga awtor na magbigay ng kapangyarihan sa publisher o sinuman na magparami ng kopya ng kanilang akda.

Halimbawa, natipuhan mong isulat ang love story ng biyenan mo at ginawa mo itong nobela. Dapat ay permanente o fixed sa papel o sa computer ang nobela mo. Ito ay para mai-publish ang iyong nobela bilang libro. Siyempre, unang bibili ng libro mo ang iyong biyenan para maipamigay niya sa kanyang mga kalaro sa tong-its. Ito na ang simula ng kita mo bilang nobelista dahil mayroon kang 10-15 % na royalty sa bawat mabebentang nobela mo.

Lalo pang lalaki ang kita mo bilang nobelista kung ang nobela ay ida-dramatize sa entablado, gagawing pelikula o telenobela at iba pa. At dagdag-kita pa rin kung matipuhan itong isalin sa wikang Korean o Japanese dahil may bayad pa rin na dapat ibigay sa ‘yo kapag ito ay isasalin sa ibang wika.

Sa larangan naman ng pelikula, may bayad din para sa producer, director at iba pa ang pagpapalabas ng isang pelikula sa sinehan. May bayad pa uli kapag ang mga kopya ng pelikula ay pinarerentahan na sa mga awtorisadong rental shop. Oo, kahit hindi na ipinalalabas sa leading malls ang pelikulang ‘yon, dapat ay kumikita pa rin ang mga producer, director at iba pa.

Para naman sa mga painting,eskultura, at visual arts, maliban sa kita mula sa orihinal na presyo ng mismong artwork ay maaari ding kumita ang awtor/pintor sa pamamagitan ng pagdi-display ng kanyang gawa sa mga museo o exhibition hall o di kaya pagkakalathala sa mga publikasyon.

Sa mga awit at musika naman, kumikita rin dapat ang musikero/mang-aawit sa pamamagitan ng mga benta ng CD o downloads. May bayad din tuwing ang kanilang likha ay gagamitin o aawitin o patutugtugin sa konsiyerto o iba pang commercial establishments tulad ng restawran.

Kaya kung gusto mong kumita nang malaki, maliban sa nobela ay gawan mo na rin ng awit ang biyenan mo at ililok na rin ang masama niyang mukha sa marmol. Malay mo, mag-hit ‘yang kanta na ‘yan sa masa. Malay mo, ma-feature ang marmol niyang mukha sa Louvre Museum sa Paris. Aba, hindi na masama. Di ba?

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Wednesday, October 27, 2010

Copyright para sa mga likhang pampanitikan, siyentipiko, at pansining

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS

Bakit hindi binibigyan ng copyright ang ideya, pamamaraan, proseso, sistema, konsepto, prinsipyo, tuklas, o fact?

Kasi ang mga nabanggit ay building blocks na kailangan ng bawat author para makagawa ng akda o likha. Kailangan ang ideya ng pag-ibig: mahirap pero magandang babae, binatang tagapagmana ng malaking negosyo, at babaeng mayaman pero masama ang ugali, para makabuo ng isang kuwento ng love triangle.

Kahit sinong manunulat, makata, o kuwentista ay maaaring gamitin ang mga ideyang ito para makalikha ng mga bagong akda.

Kung bibigyan ng copyright ang sinumang magsabing pag-aari niya ang ideyang love triangle ng babaeng mahirap pero maganda, binatang tagapagmana ng isang business empire, at babaeng mayaman nga matapobre naman, hindi na tayo makaka-engkuwentro pa kahit kailan ng mga akda, awit, pelikula, o stage play ukol dito. Magiging dahilan ito ng pagkatuyo ng balon ng paglikha at saka pagkasawa ng mga tao sa iisang kuwento ng love triangle mula sa iisang author lamang.

Building blocks din sa panitikan ang mga letra ng alpabeto at salita.

Ganito rin ang siste sa mga kulay at hugis. Hindi puwedeng ipa-copyright ang kulay tuladng pula, dilaw, asul, at iba pa. Hindi rin puwedeng ipa-copyright ang mga hugis tulad ng bilog, parisukat, parihaba, at iba pa. Kung ang building blocks ng sining ay magiging pag-aari ng iba dahil sa copyright ay mawawalan ng mga kulay at hugis ang ating mga drowing at paintings. At anong klase ng sining ang walang kulay o hugis?

Ang malikhaing pagsasama ng mga hugis, paghahalo, at pagtatambal ng mga kulay na nagiging painting, drowing, o visual art ang orihinal na expression ng idea ng mga pintor at artist. Ang final product ang may copyright tulad ng painting sa canvass, illustration sa libro, design ng t-shirt, o imahen sa eskultura.

Sa larangan ng musika, ang mga nota at tunog ang building blocks. Hindi rin ito maaaring ipa-copyright. Hindi puwedeng sabihin ng biyenan mong nasa kanya ang copyright ng notang C o ng B flat. Kung magkakagayon ay magiging kulang ang ating mga awit, sablay ang mga tunog, at sintunado ang musika.

Ang building blocks na ito ang ginagamit ng mga kompositor, musikero, at lirisista para makalikha ng magagandang kanta at nakakaaliw na musika. Ang awit o musika na final product ng creative process ang siyang binibigyan ng copyright.

Sa larangan naman ng siyensiya, ang mga tuklas o discovery, mga fact at pangalan ay building blocks din kaya hindi ito binibigyan ng copyright.

Halimbawa, ang Conotoxin mula sa marine snail o susong dagat ay tuklas ng dalawang National Scientists na sina Dr. Lourdes J. Cruz at Dr. Baldomero M. Olivera.

Ang Conotoxin o lason ay ginagamit ng mga susong dagat para makahuli ng pagkaing isda, lamandagat, at iba pa. Ang facts tungkol sa conotoxin, pangalan nina Dr. Cruz at Dr. Olivera ay hindi maaaring bigyan ng copyright. Dahil kung may copyright ito ay wala nang makakapagsulat tungkol dito kundi ang may-ari na lang ng copyright.

Para maipaliwanag ng dalawang siyentipiko ang kanilang tuklas ay magsusulat sila ng mga artikulo tungkol sa Conotoxins at mga susong dagat na matatagpuan sa Pilipinas.
Ang kanilang mga artikulo ay gagamit ng building blocks tulad ng kanilang discovery, facts, at mga pangalan.

Ang binibigyan ng copyright ay ang expression ng mga idea. Ang kakaibang paraan ng pagkukuwento, pagtula, pag-awit, o pagpapalabas sa pelikula at entablado ang siyang malikhaing expression ng idea. Kaya para sa ginawa nina Dr. Cruz at Dr. Olivera, tanging ang scientific articles nila ang binibigyan ng copyright.

Pero kahit hindi copyrightable, ang mga ideya at nabanggit na building blocks ay NAPAKAHALAGA. Ang mga ito kasi ang ginagamit para malayang maipalaganapang naiisip ng mga manunulat, siyentipiko, at artist sa atin.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com

Monday, October 18, 2010

Copyright para sa mga likhang orihinal at permanente

Buhay na Titik

ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS

Ano ang ibig sabihin ng origihal na akda o likha? Kailan ito maituturing na permanente o fixed?

Masasabing orihinal ang akda o likha kung ito ay likas na nagmula sa author. Ibig sabihin, hindi ito basta kinopya sa ibang akda o likha. Halimbawa, ang bawat pintor ay may sari-sariling paraan ng pagpipinta, may sariling estilo sa paghahalo ng mga kulay, may sariling estilo ng pagpapakita ng perspective. Nakakaapekto rin ang estilo ng art school kung saan siya nag-aral. Kung sakaling hindi siya pormal na nag-aral ng pagpipinta, nakakaapekto rin ito. Pati na ang personal preferences niya, ang subjects na gusto niyang ipinta, at iba pang bagay na nagbibigay sa isang tao ng unique personality. Magiging iba ang kanyang obra sa isang pintor na nag-mula naman sa ibang paaralan o nag-aral sa ilalim ng isa pang pintor, may ibang subject na gustong ipinta at iba pa.


Marami sa mga manunulat ang nakakaranas ng pag-ibig. Pero madalas, magkakaiba ang presentasyon ng bawat isa ngkaranasan kapag isinulat na ito. Iyong isa, halimbawa, nakakatawang pag-iibigan sa ilalim ng puno ng kalatsutsi. Iyong isa naman, paglalarawan sa pag-ibig niya para sa mahiwagang anino sa loob ng kanyang kabinet. Iyong isa naman, tumula nang pa-free verse para sa iniibig niyang kaklase mula pa noong kinder at uhugin sila.


Sa madaling salita, orihinal ang akda o likha sapagkat nakadugtong din ito sa unique personality at ibang pang panlabas na impluwensiya ng isang may likha o author.


Permanente o fixed ang likha kung ito ay naisulat na sa papel o sa word processing software. Ang mga canvass na puno ng mga kulay at anyo ay isa ring paraan ng fixation. Para sa sculture, dapat na nalilok na ang imahen sa bato, kahoy, o iba pang materyales.

Ang originality at fixation ay dalawang requirements para maituring na copyrighted work ang isang akda o likha.

Bakit mahalaga ang dalawang criteria na ito? Dahil ang orihinal na expression ng idea at pagfi-fix dito ang batayan para magkaroon ng copyright ang akda o likha. Ang idea ay hindi maaaring magkaroon ng copyright. Halimbawa, pag-ibig, teenager, bampira, taong-lobo o werewolf, love triangle, at iba pa. Ang mga ito ay idea pa lamang.

Hindi rin magkakaroon ng copyright ang idea para sa kuwento o plot ng istorya. Halimbawa, teenager na tao nasangkot sa love triangle ng vampire na mabait at taong-lobo na masama. Ito ay plot pa lamang ng istorya. Kaya hindi pa ito maaaring magkaroon ng copyright.

Ngunit ang sinuman na maglalagay ng mga ideyang ito sa papel ay hindi pa magkakaroon ng copyright at karapatan sa isinulat niya. Dahil mga ideya pa rin ang mga ito kahit nakasulat na sa papel.

Pero kung sumulat at nakatapos ka ng isang nobela, tula, o maikling kwento at naisulat mo ito sa papel o sa computer ay mayroon ka nang copyright kaagad. Ang paraan ng pagsusulat mo, paghahalo ng mga pangalan, pandiwa, pang-uri at iba pa ang iyong orihinal na expression ng idea ng isang love triangle ng tao, bampira at taong-lobo.

Mahalaga ang fixation tulad ng pagsusulat sa papel o pagta-type sa computer dahil ito ang pagkokopyahan ng publisher para ilimbag na ang iyong obra.

Mahalagang nalilok ang imahen sa bato o kahoy, o naipinta sa canvass dahil ito ang makikita ng mga mamimili at mai-didisplay sa mga museo o tahanan.

Hindi mabibigyan ng proteksiyon ang iyong gawa kung ito ay nasa loob lang ng iyong bungo. Hindi ka puwedeng magsampa ng kaso na may lumabag sa iyong copyright dahil nasa isip mo pa lang, hanggang ngayon, ang tulang balak mong isulat noon pang Grade 1 ka, na ngayon ay isinusulat na (at malapit nang matapos) ng iyong biyenan.

Kaya bago ka maunahan ng biyenan mo, magsulat ka na, magpinta, o maglilok ng iyong orihinal na expression ng idea.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Monday, October 11, 2010

Mahalaga ang malikhaing gawa ng mga may-akda

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS



Hindi magiging ganap ang buhay natin kung wala ang likha ng mga may-akda o authors.

Sa larangan ng edukasyon, negosyo, gobyerno, relihiyon, komunikasyon, at entertainment ay ginagamit natin ang malikhaing gawa ng mga authors tulad ng aklat, diyaryo, magasin, journal, mga sermon, website, awit, pelikula, radio show, TV show, computer program, at marami pang iba.

Bago pa man tumuntong sa Grade 1 ang mga bata ay inaaliw na natin sila ng mga pambatang aklat tulad ng Si Pilandok at ang Manok na Nangingitlog ng Ginto o kaya Si Carancal Dangkal.
Sa elementary at high school naman, ang mga aklat ang pangunahing gamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino, English, Math, Science, Social Studies, at sa halos lahat ng subject. Ginagamit din ang mga website, diyaryo, magasin, journal, awit, at pelikula.

Para mahasa sa pagbabasa, pagsusulat, at paggamit ng wika ay kailangan ng mga batang magbasa ng mga maikling kuwento, tula, at nobela. Bisitahin mo kahit minsan ang inyong public library at sigurado akong mababasa mo ang mga akda nina Rene O. Villanueva, Dr. Luis Gatmaitan, Cristine Belen, Virgilio S. Almario, Eugene Evasco, Carla Pacis, at iba pang may-akda.

Maraming magulang ang naniniwalang kailangan ang mataas na pinag-aralan para makaangat sa buhay. Kaya’t marami ang nagsusumikap na mapag-aral ang mga anak sa kolehiyo. Para mabigyan ng karampatang edukasyon at pagsasanay ang mga estudyante, mas maraming subjects ang kailangan nilang pag-aralan. Mas marami ang kailangang basahin. At pinakamarami naman kung magpapatuloy sa masteral o doctoral degree, o mga kursong abogasiya at medisina ang isang estudyante.

At kahit nagta-trabaho o nag-nenegosyo na ay kailangan pa ring magbasa ng likha ng mga may-akda. Continuing education ang tawag sa patuloy na pag-aaral ng mga guro, doktor, inhinyero, abogado, accountant, iba pang propesyonal at maging ang karaniwang mamamayan.

Hindi ba’t kailangan din ng mga taong nasa business na magbasa at makinig sa balita para maging updated ang kanilang kaalaman? Aba, maaaring magpaangat o magpabagsak sa negosyo ang impormasyon tungkol sa industriyang kinabibilangan niya o di kaya sa nangyayari sa paligid kaya’t dapat na alerto ang negosyante rito.

Para naman maaliw ay kailangan nating magbasa ng mga libro, makinig sa mga awit o manood ng mga pelikula o TV shows. At siguradong hindi kompleto ang araw ng biyenan mo kung hindi niya mapapanood ang paboritong niyang teleserye, fantaserye, at koreanovela.

Ang mga likhang ito ay mula sa manunulat at sa pananaliksik ng mga eksperto. Sila ang mga may-akda ng mga likhang kailangan natin para matuto, maaliw, o mapaunlad ang sariling buhay.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Thursday, October 7, 2010

Proteksiyon sa Appellations of Origin

Buhay na Titik ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS


Nakainom ka na ba ng Tequila?

Oo? Napatumba mo ba ang bote nito o ikaw ang napatumba nito?

Sikat ang inuming ito sa maraming bars sa iba’t ibang panig ng mundo. Lingid sa kaalaman ng mga manginginom, ang Tequila ay isang lugar sa Mexico na pinagmumulan ng halamang agave na siyang pangunahing sangkap ng nasabing alak.

Ang Tequila ay isang uri ng Intellectual Property na binibigyang-proteksiyon ng gobyerno. Ito ay nakapailalim sa Industrial Property bilang appellation of origin. Ibig sabihin, ang lugar na pinagmulan ng produkto ang siyang madalas na binabangit ng nagbebenta at mamimili kahit ang tinutukoy nila ay ang mismong produkto.

Dahil ang lugar na pinagmulan o lugar kung saan ginagawa ang isang produkto ang siyang kilala ng mamimili, ito na rin ang kanyang tatak. Ang lugar at ang tatak ay nagiging isa. Sa gayon, hindi maaaring maglagay ang sino man ng tatak na Tequila sa kanilang inumin kung hindi naman talaga ito galing doon.

Kaya naman appellations of origin ang tawag sa IP na ito. Pero sa mga produktong alak at may alcohol lang ginagamit ang appellation of origin.

Geographical indication pa rin ang tawag kapag ang mga produktong galing sa isang partikular na rehiyon o bansa tulad ng Marikina shoes at Swiss watch ay nakikilala na sa pangalan ng lugar na pinagmulan ng produkto.

Paalala, mga mambabasa: ang paggamit ng tatak ng iba nang walang pahintulot ay iligal at lumalabag sa karapatan ng mga tunay na may-ari ng tatak.

Panloloko sa mamimili ang paglalagay ng tatak na may appellation of origin kung hindi naman pala totoo ang nakasaad dito. Kaya sa susunod na hihingi ng regalong inumin ang biyenan mo ay tunay na inuming Pinoy ang ibigay mo tulad ng lambanog.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Thursday, September 30, 2010

FILCOLS @ Indonesia

FILCOLS' Executive Director Alvin J. Buenaventura delivered a talk entitled Cultural Diversity and Unlocking the Human Potential last 28 September 2010 at the Taman Budaya Yogyakarta.

Buenaventura's talk was one of the lectures included in the event called "Know your Rights”. It was the first in a series of five seminars Yayasan Reproduksi Cipta Indonesia (YRCI) shall conduct within the coming years and can be considered as a valuable discourse on copyright issues related to Indonesia and the Southeast Asian region.

Experts in the fields of copyright, law, economics, arts, culture and government support hailing from Belgium, Singapore, Australia, Philippines and Indonesia had pooled together to share their perspectives in public by means of lectures and presentations.

Read the article here:

http://www.ivaa-online.org/2010/09/seminar-hakcipta-yrci/?lang=en

Tuesday, September 21, 2010

Proteksiyon sa Geographical Indication

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS


Geographical indication ang tawag sa mga simbolo, pangalan, o tatak na nagpapakilalang galing sa iisang lugar ang isang partikular na produkto.

Ang taglay na talino, pagkamalikhain, at kasanayan ng mga tao sa isang lugar ay siyang pinagmumulan ng mga produktong may mataas na kalidad at may kakaibang uri. Halimbawa, ang Marikinaay sikat sa mga sapatos na matibay at maganda. Ang mga pagawaan ng sapatos na nasa Marikina lamang ang may karapatang maglagay ng tatak, simbolo, o pangalang nagsasabing ito nga ay “Made in Marikina.”

Tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto dahil sa ang lugar na pinanggalingan nito ay kilala sa nasabing produkto.

Maraming mga mamimili ang talagang nagsasadya pa sa isang lugar dahil sa produkto nito. Halimbawa, dumarayo pa ang iyong biyenang babae sa Liliw, Laguna upang makabili ng magagandang tsinelas nito.

Panloloko sa mamimili ang pagsasabing gawa sa Marikina ang sapatos o sa Liliw ang tsinelas kung hindi naman talaga ginawa ang mga ito doon.

Dahil ang sapatos ng Marikina at tsinelas ng Liliw ay produkto ng mga tao roon at siya nilang ikinabubuhay, dapat na bigyan ito ng karampatang proteksiyon ng gobyerno.

Ang mga produktong ito ay binibigyan ng Intellectual Property Office of the Philippines ng proteksiyon bilang trademark. Ang trademark ay may proteksiyong nagtatagal nang sampung taon at maaaring i-renew kada sampung taon.

Dapat iparehistro ng may-ari ng produkto ang kanyang trademark sa nasabing tanggapan ng gobyerno.

Kapag hindi binigyang-proteksiyon ng gobyerno ang mga kabuhayan ng ating mga kababayan sa Marikina, Liliw, at iba pa, malaki ang tsansang bumagsak ang negosyo doon. Ito ay magdudulot ng malawakang pagkawala ng trabaho, pagkawala ng magbabayad ng buwis, at pagtaas ng kriminalidad.

Ang appellation of origin naman ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Tuesday, September 14, 2010

Kakaibang tatak ang Trademark

Buhay na Titik ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS


Alin sa dalawang t-shirt ang pipiliin mo? Ang may tatak na Bench o ang may tatak na Belch? Katulad ng maraming Pinoy, mas pipiliin mo ang may tatak na Bench dahil alam mong mataas ang kalidad ng produktong nagmumula sa kompanya ng damit na itinatag ng negosyanteng si Ben Chan noong 1987. Ang kakaibang tatak ay ginagamit para maiangat ang produkto mula sa hanay ng kaparehong produkto (tulad nga ng t-shirt).

Ang pangalang “Bench,” ang kakaibang estilo ng puting letra nito, at pulang background na parihaba ay binibigyan ng proteksiyon ng batas dahil rehistrado ito bilang trademark. Ang trademark o tatak ng produkto ay maaari ding kombinasyon ng mga kakaibang palatandaan, simbolo, pangalan, hugis, at kulay na inilalagay sa mga produkto.

Service mark naman ang tawag sa tatak ng serbisyo. Gumagamit ng service mark ang negosyong service-oriented tulad ng LBC, Philippine Airlines, at GMA 7. Sampung taon ang proteksiyong ibinibigay ng batas sa may-ari ng isang trademark. Maaaring i-renew ang trademark kada sampung taon. Ang trademark at service mark ay nakapailalim sa industrial property na isa sa mga sangay ng Intellectual Property (IP).

Ang mga likhang nagmumula sa isip ng tao ay tinatawag na IP at binibigyan ng karampatang proteksiyon ng gobyerno para lalo pang maengganyo ang mga tao sa paggawa ng mga bagong likha. Kailangan natin ang proteksiyong dulot ng trademark para maiwasan ang di patas na kompetisyon mula sa mga kompanyang kumokopya lang ng trademark ng iba. Ang mga kompanyang ito, itago natin sila sa tawag na mga pirata, ay walang habas sa paglalagay ng tatak ng mga kilalang trademark tulad ng Bench sa kanilang mga damit o produkto. Pinupuksa ng gobyerno ang mga piratang ito sa pamamagitan ng mga raid at pagsasampa ng karampatang kaso.

Ang pamimirata ay isang uri ng panloloko. Nagbabayad ang mamimili ng totoong pera pero peke naman pala ang produktong nabibili nila. Dahil sa mataas na kalidad, magagandang imahen, at abot-kayang halaga ng mga produkto ng Bench, lumago ang negosyong ito at mas marami ang nabigyan ng trabaho. Kapag hinayaan ng may-ari ng trademark, tulad ng Bench, ang paglaganap ng mga pirata at pekeng produkto at kapag walang suporta ang gobyerno para maprotektahan ang trademark nito, darating ang panahon na wala nang kikitain ang lehitimong kompanya.

Ang pagbaba ng kita ay madalas na nagreresulta sa pagkalugi at di maglalaon ay sa pagbabawas at pagtatanggal ng mga empleyado (dahil hindi na sila mapapasuweldo.) Marami tayong pakinabang sa mga lehitimong negosyo. Bukod sa nakakapagbigay ito ng trabaho sa atin, nagbabayad din ito ng tax sa gobyerno. At ang tax ang pinagmumulan ng perang ginagastos ng gobyerno para tayo ay mapaglingkuran. Ang mga pirata naman lumalabag na nga sa batas, hindi pa nagbabayad ng tax.


Ang pagtangkilik sa sariling atin ay nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya at pagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan. Kaya sa susunod na bibili ka ng t-shirt, piliin mo ang tatak-Pinoy. Siguruhin mo ring orig ang bibilhin mo. Produktong Pinoy na orig, okey?

Ang geographical indication naman ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Wednesday, September 8, 2010

Proteksiyon para sa mga Bagong Uri ng Halaman

Buhay na Titik

ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS




Bakit paboritong ihalo ng iyong biyenan sa sinigang na baboy ang Django? Sapagkat hindi manlalaro ng bilyar ang Django kundi isang uri ng sili.



Kabilang ang Django sili sa mga bagong uri ng halaman na ini-apply ng breeder nito sa tanggapan ng Plant Variety Protection Office upang mabigyan ng sertipikasyon at proteksiyon ng gobyerno. Ang sertipikasyon ay ibinibigay sa mga halamang panlupa at pandagat na dapat na bago, kakaiba sa karaniwan, uniform, at stable.



Ibig sabihin ang halamang na-breed ng magsasaka o empleyado ng kumpanya ay dapat na bago o hindi pa naibebenta sa merkado. Ito ay may mga katagian na kakaiba sa karaniwang halaman sa merkado. Dapat ding uniform ito o ang halaman ay pare-pareho ang kulay o hugis. Dapat na stable o ang mga katangian nito ay hindi pabagu-bago kahit na matagal ng pino-propagate. Ibibigay lamang ang sertipikasyon kapag pumasa sa apat na panuntunan ang halaman.



Ang pagkilala at pagbibigay proteksiyon sa mga bagong uri ng halaman ay naging batas lamang sa pamamagitan ng Republic Act 9168 o Philippine Plant Variety Protection Act of 2002.



Ang mga bagong uri ng halaman ay likhang nagmula sa talino ng mga breeders tulad ng mga magsasaka, hobbyists, o kumpanyang pang-agrikultura. Ito ay uri din ng Intellectual Property o IP kaya dapat na respetuhin at bigyan ng karampatang proteksiyon.



Para sa mga puno at gumagapang na halaman ang proteksiyon ay 25 taon. Samantala 20 taon naman ang ibinibigay na proteksiyon sa ibang halaman tulad ng Django sili.



Kaya sa susunod na alukin ka ng iyong biyenan ng Diamante at Sweet Ruby ay wag mong isiping binibigyan ka ng mamahalin at matatamis na mga alahas. Ang Diamante ay bagong uri ng kamatis at ang Sweet Ruby ay bagong uri ng pakwan. Pinapipili ka lang ng biyenan mo ng panghimagas matapos mong kumain ng sinigang.



Ang Django sili, Diamante kamatis, at Sweet Ruby pakwan ay mga IP ng East-West Seed Company ng San Rafael, Bulacan. Ang trademark at service mark naman ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik.



Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Wednesday, September 1, 2010

Patent para sa Layout Design ng Integrated Circuits

Buhay na Titik

ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS






Ang mga orihinal na likhang nagmula sa isip ng tao ay tinatawag na Intellectual Property o IP. Ang dalawang sangay nito ay ang copyright at ang industrial property. Sa ilalim ng industrial property, ay may karapatan na kung tawagin ay patent. Ito ay karapatang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga imbentor.



Ano ang nag-uugnay sa mga electronic gadget gaya ng Playstation, cellphone, at laptop sa fuel injected na kotse, PCOS machines, at space shuttle sa isa’t isa?

Lahat ng mga nabanggit ay gumagamit ng microchips. Ang microchips o integrated circuits o IC ay ang mga piyesang nagpapatakbo sa nabanggit na electronic gadgets at machines.



Bago ang microchips, maraming vacuum tubes ang ginagamit para gumana ang isang gamit tulad ng TV. Butingtingin mo ang TV ng biyenan mo at makikita mo ang mga tubo sa loob nito.


Mabilis uminit at malakas sa kuryente ang vacuum tubes kaya pinalitan ito ng mas maliit na transistors. Ang mga piyesang ito ay parang maliliit na uod na makulay ang katawan. Butingtingin mo naman ang radyo ng biyenan mo at makikita mo ang mala-uod na transistors.


Ang pagsasama-sama o integrasyon ng transistors sa isang maliit na chip ang siyang nagpabago nang tuluyan sa electronic gadgets at machines. Ang isang chip na kasinlaki ng selyo ay maaaring maglaman ng milyon-milyong transistors. Ito ang dahilan kung bakit ang isang pagkaliit-liit na cellphone ay nagagamit sa pagtawag sa ibang telepono, sa pakikinig ng radyo, sa panonood ng video, sa pag-plus, minus, times at divide bilang calculator at sa pagkuha ng pictures. Kaya din ng cellphone na maglaman ng maraming datos tulad ng pangalan, mensahe, retrato, video, audio, at iba pa.


Binibigyan ng patent ang disenyo ng IC na may bisa ng sampung taon. Ang pagkakalatag o disenyo ng IC ang siyang nagbibigay ng kakaibang performance sa gadget o mga gamit. Mahaba ang buhay ng microchips at matipid pa sa pagkonsumo ng kuryente.



Sa loob ng sampung taon ang may-ari lamang ng patent ang awtorisadong gumawa nito. Maaari ding ibigay niya sa iba ang awtorisasyon na gumawa nito. Pero ang patent para sa disenyo ng mga IC ay hindi na maaaring i-renew paglampas ng sampung taon. Maaari na itong gamitin o kopyahin ng iba.



Dahil sa mga IC, tuluyan nang nagbago ang ating mundo. Naging mabilis at laganap ang impormasyon at komunikasyon. (Pati na rin ang maling impormasyon at miscommunication.) Dahil sa cellphone, natipon ang mga tao sa EDSA para mapabagsak ang isang pamahalaang bulok. Dahil sa mga bagong gadget, maraming trabaho ang nalikha at maraming pamilya ang nakinabang. Dahil sa PCOS machines, naging mabilis at kapani-paniwala ang resulta ng halalan sa bansa. Ilan lamang ito sa kayang gawin ng mga IC.


Ang patent para sa mga bagong uri ng halaman naman ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Monday, August 30, 2010

FILCOLS @ Cebu

CEBUANO authors, literature teachers, scriptwriters and composers attended a seminar on intellectual property rights last Aug. 21 at the Turtle?s Nest on Gorordo Avenue, Cebu City.

The free seminar was organized by Bathalan-ong Halad sa Dagang Inc. (Bathalad) Cebu headed by Gen Mijares.

Check the rest of the article here

http://globalnation.inquirer.net/cebudailynews/community/view/20100902-290112/Bathalad-holds-seminar-on-intellectual-property

Thursday, August 26, 2010

Patent Para sa Industrial Designs

Buhay na Titik

ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS



Ang mga likhang nagmula sa isip ng tao ay tinatawag na Intellectual Property o IP. Ang dalawang uri nito ay ang copyright at ang industrial property. Nakapailalim sa industrial property ang patent. Patent tawag sa karapatang ibinibigay ng gobyerno sa inventors at sa kanilang mga imbensiyon.

Kasama sa binibigyan ng patent ang industrial design. Ano ang industrial design? Ang industrial design ay kumbinasyon ng kulay, hugis, at texture na nagsisilbing pattern sa mga industrial products o handicrafts. Ito ang nabibigay ng kaaya-ayang anyo sa mga produkto.

Ang kakaibang anyong ito ng produkto ang siyang umaakit sa mga mamimili kung kaya’t nagiging mabenta ito sa merkado at nagiging isang commercial success.

Halimbawa ng industrial design ay ang hugis ng botelya ng Coke; anyo ng sikat na mga gadget na iPod, iPhone, at iPad; mga relong Swatch at TechnoMarine; mga rubber shoes ng Nike, Adidas, Bata, World Balance, Advan, at iba pa.

Ang hugis salagubang na Volkswagen ay isang matagumpay na produkto dahil sa kakaibang anyo nito. Ito ay itinuturing na icon sa larangan ng disenyo.

Noong 1933, nag-utos si Adolf Hitler na dapat gumawa ng sasakyan para sa masa si Ferdinand Porsche na siyang may-ari ng pagawaan ng mga kotse sa Germany. Isa sa mga pangarap ni Hitler ay magkaroon ang lahat ng mga Germans ng sasakyan. Maliban sa dapat ay mura ito, kundisyon din ni Hitler ay dapat na makakapagsakay ito ng ama at ina sa harap at tatlong anak sa likod. Agad kumilos si Porsche at inatasan ang kanyang chief designer na si Erwin Komenda na agad ring nakagawa ng disenyo ng sasakyan ng masa o sa wikang aleman ay volks (masa) at wagen (sasakyan). Taliwas sa mga kwento ukol sa Volkswagen, hindi si Hitler ang nagdisenyo nito.

Sa huling bilang, nakagawa ng halos 21 milyong Volkswagen. Maraming pamilya ang nakinabang dahil dito. Ang industriya na nalikha ng Volkswagen ay nagbigay ng mga trabaho sa mga nasa factories, sa mga suppliers, sa mga dealers ng kotse, at sa mga allied business na umusbong sa paligid ng Volkswagen success. Nagpalago ng kalakalan ng mga bansa sa mga makina, ilaw, kabilya, salamin, car seat, radiator, silinyador, preno, kambiyo, gulong, at iba pang piyesa upang mabuo o kaya ay makumpuni ang Volkswagen. Syempre, kasama na rin ang mga gumagawa ng pintura at ang industriya ng langis.

Naka-pagpaunlad ng maraming buhay at maraming bansa ang likha mula sa isip ng tao.
Ang isang disenyong hawig salagubang ay nakapagbigay ng mahahalagang gunita sa maraming tao. Ang Volkswagen ay siya ring inspirasyon ng mga aklat, mga pelikula, at mga awit.

Ang computer ay isa sa mga imbensiyong naka-apekto ng malaki sa ating buhay. Ang patent para sa layout design ng integrated circuits na matatagpuan sa mga computer ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Thursday, August 19, 2010

Buhay na Titik: PATENT AT BAGONG MODELO O DISENYO

Buhay na Titik: PATENT AT BAGONG MODELO O DISENYO

ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS

Patent Para sa Mga Munting Pagbabago sa Imbensiyon


Intellectual property o IP ang tawag sa mga likhang nagmula sa isip ng tao. Dalawa ang uri nito. Ang copyright at ang industrial property. Sa ilalim ng industrial property nakapailalim ang patent. Ang patent naman ay ang karapatang ibinibigay ng gobyerno sa inventors at sa kanilang mga imbensiyon. May dalawang uri ng imbensiyon: ang produkto at ang proseso. Ang mga imbensiyon na ito ay lumulutas sa mga problemang teknikal na kinakaharap ng tao.

Isang halimbawa ng produkto ay ang re-usable kabaong ni Antonio Andes, Sr. ng Taguig City. Halimbawa naman ng proseso ay ang imbensiyon ni Dr. Ramon Barba na pag-ii-spray ng tubig na may halong potassium nitrate sa mga puno ng mangga para mapabilis ang pamumulaklak ng mga ito.

Ang imbensiyong re-usable kabaong ni Andes ay may dalawang sangkap: kahoy na kabaong sa loob at bakal na kabaong sa labas. Ang bakal na kabaong ang nakikita ng mga naglalamay at bisita. At pagdating ng libing, ang kahoy na ataol ang siyang ipinapasok sa nitso. Presto! Ang bakal na kabaong ay puwede na uling magamit ng susunod na kustomer. (Maaari mo nang ipila ang biyenan mo for future availment ng produktong ito.)

Malaking tulong sa mahihirap ang ipinaaarkilang bakal na kabaong ni Andes dahil ang murang kahoy na ataol na lang ang kailangan nilang bilhin. Mas mura din ang pag-arkila ng bakal na kabaong kaysa bumili ng tradisyunal na kabaong. (Kaya talagang dapat mo nang ipila ang biyenan mo.)

Samantala, ang anak ni Andes na si Mary Ann ay nagdidisenyo ng iba’t ibang masasayang larawan sa bakal na kabaong. Mula rin sa malikhaing isip ni Andes ang isa pang inobasyon sa kanyang kabaong-for-rent ang paglalagay ng LCD screen at music player sa kabaong. Dito ay puwedeng magpalabas ng mga video ng yumao o kaya ay magpatugtog ng mga paborito niyang awit. Ang mga disenyo ni Mary Ann at ang added features na LCD at music player ay maliliit na pagbabago o inobasyon sa orihinal na imbensiyon at puwede pa ring bigyan ng proteksiyon ng gobyerno sa pamamagitan ng patent.

Ang iba pang binibigyan ng patent tulad ng industrial design, layout design ng integrated circuits, at mga bagong uri ng halaman ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

Thursday, August 12, 2010

Buhay na Titik: INDUSTRIAL PROPERTY AT SANGAY NA PATENT

ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS


Patent Para sa Mga Imbensiyon

Ang intellectual property o IP ay mga tuklas o likhang nagmula sa isip
ng tao. Ang IP ay may dalawang uri: una ay ang industrial property
kung saan nakapaloob ang patent at trademark, at ikalawa, ang
copyright o karapatang-ari.

Patent ang tawag sa karapatang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga
imbensiyon. Ito’y maaaring mga produkto o paraan na tumutulong para
malutas ang mga suliraning teknikal na kinakaharap ng mga tao.
Halimbawa ng produkto: ang washing machine. Ito ay imbensiyong
tumutulong para maibsan ang problema ng asawa mo sa tambak na labada.
Halibawa naman ng proseso: ang pagdidilig ng potassium nitrate sa mga
puno ng mangga ay imbensiyong tumutulong para maaga itong mamulaklak
at magbunga. Si Dr. Ramon Barba ang siyentipikong nakaimbento nito
noong 1960s.

Bago ang imbensiyon ni Dr. Barba, pinapausukan ang mga puno ng mangga
para mamulaklak ang mga ito. Maraming usok ang kailangan at matagal na
paraan ito. Mas madalas na maraming beses maluha ang mga nagpapa-usok
bago umusbong ang bulaklak ng puno. Dahil dito ay seasonal ang mangga
at kaunti lamang ang kita ng mga nagtatanim nito.

Sa pananaliksik ni Dr. Barba, nalaman niyang ang ethylene mula sa usok
ang siyang responsable sa pamumulaklak ng mga puno ng mangga. Para
mapabilis ang proseso ay kailangang balutin sa gas na ethylene ang
isang puno. Malaking problema ito.

Noon lumabas ang pagkamalikhain ni Dr. Barba. Nag-ekperimento siya sa
iba’t ibang kemikal hanggang madiskubre niya na ang pagdidilig ng 100
litrong tubig na hinaluan ng isang kilong potassium nitrate ay sapat
na para mapabulaklak ang puno sa loob lamang ng isang linggo.

Ito ang dahilan kung bakit lumago ang industriya ng mangga sa
Pilipinas. Dahil madalas at mabilis ang pagbubunga ng mangga,
nakapagbigay-hanapbuhay ito sa mga may-ari ng mga puno, mga katuwang
sa pag-aalaga, mga nagtitinda ng pestisidyo, mga magpuprutas, mga
biyahero, mga factory ng mango products tulad ng juice, palaman,
kendi, preserved fruits, mga karinderya sa paligid ng mga pabrika, mga
nagsu-supply ng isda, gulay, karne, at bigas, at iba pa. Sa
kasalukuyan, ang industriya ay nagkakahalaga ng mahigit 40 milyong
dolyar o 1.8 bilyong piso.

At dahil pag-aari ni Dr. Barba ang imbensiyong ito, ginawaran siya ng
gobyerno ng patent sa pamamagitan ng Intellectual Property Office of
the Philippines. Ito ay para maprotektahan niya ang kanyang karapatan
pagkatapos ng insidente kung saan mayroong isang nagpapangap na
imbentor nito.

Bilang patent owner si Dr. Barba ay may karapatan at kapangyarihang
pagdesisyunan ang gamit nito. Maaari niyang pahintulutan ang sinumang
nais niyang gumamit, gumawa, o magbenta ng kanyang imbensiyon. Maaari
niya itong ibenta, ipaupa, o ipamana.

Paano naman kung ang imbensiyon mo ay isang improvement sa isa ring
imbensiyon? Maaari ka bang mabigyan ng patent? Tatalakayin natin ito
sa susunod na isyu ng Buhay na Titik.

Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa
filcols@gmail.com.