ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS
Mga Likha at Pamumuhay
Alam mo ba na ang pinakamahalagang bahagi ng koleksiyon ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay ang mga orihinal na kopya ng “Noli Me Tangere,” “El Filibusterismo,” at “Mi Ultimo Adios” ni Dr. Jose Rizal?
Nakakandado at napapalibutan ng komplikadong security systems ang mga akdang nabanggit sapagkat maikukumpara ang mga ito sa halaga ng ginto. Bilang national treasure, kailangang ingatan at protektahan ang mga ito.
Maliban sa may halagang pangkasaysayan at pampanitikan, ang mga akdang ito ni Rizal ang nagsisilbing salamin ng buhay ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol. Sa pamamagitan ng mga titik, salita, at pangungusap ay nabuo ang mga larawan ng mga Filipino at maging ang kanilang saloobin, estilo ng pananamit, paboritong pagkain, itsura ng loob at labas ng mga gusali, at pangkalahatang overview ng pamumuhay noon.
Hindi kompleto ang ating larawan ng nakalipas kung wala ang mga akdang ito ni Rizal. Sa pamamagitan ng mga ito, patuloy na nabubuhay ang mga karakter nina Padre Damaso, Maria Clara, Ibarra, Pilosopo Tasyo, Isagani, at iba pa.
Ang mga likhang tulad ng tula, nobela, maikling kuwento, awit, eskultura, painting, at iba pa ay mahahalagang batis o source ng uri at/o antas ng pamumuhay ng isang yugto ng panahon.
Noong bago dumating ang unang Espanyol sa Filipinas, ang sinaunang tulang ito ay naglalarawan kung paanong nag-aalala ang isang tao sa kanyang minamahal:
Umulan man sa bundok,
Huwag sa dakong laot.
Aba si Kasampalok,
Nanaw nang di ko loob,
Walang baonang kumot.
Ang sinaunang tula ay natuklasan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario sa mga pahina ng diksiyonaryong Vocabulario de la Lengua Tagala.
Ihambing natin ito sa ilang linya mula sa makabagong tula ni Abdon M. Balde, Jr. na “Tren, tren, tren!”
Tren, tren, tren!
Pagkaganda-ganda
Ng aking umaga!
Mutyang nakilala
Sa Pasay kanina’y
Itsurang artista;
Sa Cubao din pala
Nag-oopisina.
Malinaw na iba na ang uri ng pamumuhay batay sa mga linya ng tulang ito. May pangalan na ang mga lugar at hindi na basta bundok o laot. Mayroon nang tren na sasakyang tumatawid sa magkalayong lugar ng Pasay at Cubao. Ang sukatan ng ganda ay kung may hawig na artista. At ang mukha ng artista ay kilala dahil sa panonood ng telebisyon at pelikula. Ang hanapbuhay ay pag-oopisina sa lugar na malayo sa tirahan (kaya kailangan pang sumakay ng tren). At hindi na kailangang magbaon ng kumot pag pumupunta roon.
Mahalaga ang mga likha noon sapagkat ang mga ito ang salamin ng mga nagdaang pamumuhay. Mahalaga ang mga likha ngayon sapagkat ang mga ito ang nagtatala ng ating kasalukuyang pamumuhay.
Kaya’t dapat lang na bukod sa pinahahalagahan at tinatangkilik ay pino-protektahan din ang mga akdang ito. Isang paraan ay ang paggalang sa kung sino ang lumikha ng mga akda.
Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.
Ang Buhay na Titik ay isang kolum na lumalabas sa Responde Cavite, isang lingguhang pahayagan mula sa Cavite City.
FILCOLS is the collective management organization (CMO) officially accredited by the government through IP Philippines to collectively administer, license, and enforce the right of reproduction of authors, publishers, and other right holders in the text and image sector. FILCOLS is a member of the Brussels-based International Federation of Reproduction Rights Organizations (http://www.ifrro.org/).
Showing posts with label Virgilio S. Almario. Show all posts
Showing posts with label Virgilio S. Almario. Show all posts
Wednesday, December 29, 2010
Monday, October 11, 2010
Buhay na Titik: Mahalaga ang Malikhaing Gawa ng mga May-akda
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS
Mahalaga ang Malikhaing Gawa ng mga May-akda
Hindi magiging ganap ang buhay natin kung wala ang likha ng mga may-akda o authors.
Sa larangan ng edukasyon, negosyo, gobyerno, relihiyon, komunikasyon, at entertainment ay ginagamit natin ang malikhaing gawa ng mga authors tulad ng aklat, diyaryo, magasin, journal, mga sermon, website, awit, pelikula, radio show, TV show, computer program, at marami pang iba.
Bago pa man tumuntong sa Grade 1 ang mga bata ay inaaliw na natin sila ng mga pambatang aklat tulad ng Si Pilandok at ang Manok na Nangingitlog ng Ginto ni Victoria Añonuevo o kaya Si Carancal Dangkal ni Rene O. Villañueva.

Sa elementary at high school naman, ang mga aklat ang pangunahing gamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino, English, Math, Science, Social Studies, at sa halos lahat ng subject. Ginagamit din ang mga website, diyaryo, magasin, journal, awit, at pelikula.
Para mahasa sa pagbabasa, pagsusulat, at paggamit ng wika ay kailangan ng mga batang magbasa ng mga maikling kuwento, tula, at nobela. Bisitahin mo kahit minsan ang inyong public library at sigurado akong mababasa mo ang mga akda nina Rene O. Villanueva, Dr. Luis Gatmaitan, Cristine Belen, Virgilio S. Almario, Eugene Evasco, Carla Pacis, at iba pang may-akda.
Maraming magulang ang naniniwalang kailangan ang mataas na pinag-aralan para makaangat sa buhay. Kaya’t marami ang nagsusumikap na mapag-aral ang mga anak sa kolehiyo. Para mabigyan ng karampatang edukasyon at pagsasanay ang mga estudyante, mas maraming subjects ang kailangan nilang pag-aralan. Mas marami ang kailangang basahin. At pinakamarami naman kung magpapatuloy sa masteral o doctoral degree, o mga kursong abogasiya, medisina, at engineering ang isang estudyante.
At kahit nagta-trabaho o nag-nenegosyo na ay kailangan pa ring magbasa ng likha ng mga may-akda. Continuing education ang tawag sa patuloy na pag-aaral ng mga guro, doktor, inhinyero, abogado, accountant, iba pang propesyonal at maging ang karaniwang mamamayan.
Hindi ba’t kailangan din ng mga taong nasa business na magbasa at makinig sa balita para maging updated ang kanilang kaalaman? Aba, maaaring magpaangat o magpabagsak sa negosyo ang impormasyon tungkol sa industriyang kinabibilangan niya o di kaya sa nangyayari sa paligid kaya’t dapat na alerto ang negosyante rito.
Para naman maaliw ay kailangan nating magbasa ng mga libro, makinig sa mga awit o manood ng mga pelikula o TV shows. At siguradong hindi kompleto ang araw ng biyenan mo kung hindi niya mapapanood ang paboritong niyang teleserye, fantaserye, at koreanovela.
Ang mga likhang ito ay mula sa manunulat at sa pananaliksik ng mga eksperto. Sila ang mga may-akda ng mga likhang kailangan natin para matuto, maaliw, o mapaunlad ang sariling buhay.

Subscribe to:
Posts (Atom)