Mahalaga ang Malikhaing Gawa ng mga May-akda
Hindi magiging ganap ang buhay natin kung wala ang likha ng mga may-akda o authors.
Sa larangan ng edukasyon, negosyo, gobyerno, relihiyon, komunikasyon, at entertainment ay ginagamit natin ang malikhaing gawa ng mga authors tulad ng aklat, diyaryo, magasin, journal, mga sermon, website, awit, pelikula, radio show, TV show, computer program, at marami pang iba.
Bago pa man tumuntong sa Grade 1 ang mga bata ay inaaliw na natin sila ng mga pambatang aklat tulad ng Si Pilandok at ang Manok na Nangingitlog ng Ginto ni Victoria Añonuevo o kaya Si Carancal Dangkal ni Rene O. Villañueva.
Sa elementary at high school naman, ang mga aklat ang pangunahing gamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino, English, Math, Science, Social Studies, at sa halos lahat ng subject. Ginagamit din ang mga website, diyaryo, magasin, journal, awit, at pelikula.
Para mahasa sa pagbabasa, pagsusulat, at paggamit ng wika ay kailangan ng mga batang magbasa ng mga maikling kuwento, tula, at nobela. Bisitahin mo kahit minsan ang inyong public library at sigurado akong mababasa mo ang mga akda nina Rene O. Villanueva, Dr. Luis Gatmaitan, Cristine Belen, Virgilio S. Almario, Eugene Evasco, Carla Pacis, at iba pang may-akda.
Maraming magulang ang naniniwalang kailangan ang mataas na pinag-aralan para makaangat sa buhay. Kaya’t marami ang nagsusumikap na mapag-aral ang mga anak sa kolehiyo. Para mabigyan ng karampatang edukasyon at pagsasanay ang mga estudyante, mas maraming subjects ang kailangan nilang pag-aralan. Mas marami ang kailangang basahin. At pinakamarami naman kung magpapatuloy sa masteral o doctoral degree, o mga kursong abogasiya, medisina, at engineering ang isang estudyante.
At kahit nagta-trabaho o nag-nenegosyo na ay kailangan pa ring magbasa ng likha ng mga may-akda. Continuing education ang tawag sa patuloy na pag-aaral ng mga guro, doktor, inhinyero, abogado, accountant, iba pang propesyonal at maging ang karaniwang mamamayan.
Hindi ba’t kailangan din ng mga taong nasa business na magbasa at makinig sa balita para maging updated ang kanilang kaalaman? Aba, maaaring magpaangat o magpabagsak sa negosyo ang impormasyon tungkol sa industriyang kinabibilangan niya o di kaya sa nangyayari sa paligid kaya’t dapat na alerto ang negosyante rito.
Para naman maaliw ay kailangan nating magbasa ng mga libro, makinig sa mga awit o manood ng mga pelikula o TV shows. At siguradong hindi kompleto ang araw ng biyenan mo kung hindi niya mapapanood ang paboritong niyang teleserye, fantaserye, at koreanovela.
Ang mga likhang ito ay mula sa manunulat at sa pananaliksik ng mga eksperto. Sila ang mga may-akda ng mga likhang kailangan natin para matuto, maaliw, o mapaunlad ang sariling buhay.
Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

No comments:
Post a Comment