FILCOLS is the collective management organization (CMO) officially accredited by the government through IP Philippines to collectively administer, license, and enforce the right of reproduction of authors, publishers, and other right holders in the text and image sector. FILCOLS is a member of the Brussels-based International Federation of Reproduction Rights Organizations (http://www.ifrro.org/).
Wednesday, December 29, 2010
UST para sa Unang Salang ng IP in the Age of Jejemon
“Makukulong po ba kami dahil sa pagpo-photocopy?”
Ito ay isa lang sa mga itinanong ng mga tagapakinig ng panayam na Intellectual Property in the Age of Jejemon.
Ang nabanggit na panayam ay ginanap noong 25 Nobyembre 2010 sa Commerce Audio-Visual Room, 5F Gusaling St. Raymund, Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila. Humigit-kumulang 50 estudyante ng Department of Economics mula sa College of Commerce and Business Administration ang dumalo at nagsilbing mga tagapakinig ni Alvin Buenaventura.
Hindi nakapagtatakang ganito ang mga tanong ng tagapakinig kay Ginoong Buenaventura, ang Executive Director ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. at ang nagbigay ng panayam sapagkat karamihan sa kanila ay nagsusulat na ng kani-kanilang mga thesis. At dahil dito, mas malaki ang pangangailangan nilang magbasa ng mga libro, journal, pahayagan at iba pa. Kung wala silang mahanap na orihinal na kopya ng isang partikular na babasahin sa aklatan, sa guro, sa kaklase o sa iba pang sources, wala silang ibang magagawa kundi ang ipa-photocopy ito.
Iligal nga ba ang photocopying kung akademya naman ang setting?
Malaki ang pangangailangan ng mga estudyante lalo na sa antas-tersiyarya na magkaroon ng mas malawak na kaalaman ukol sa karapatang-ari at intellectual property para na rin sa kanilang pag-aaral. Ngunit karamihan sa mga unibersidad ay ipinapasok ang dalawang mahalagang konseptong ito bilang paksa lamang sa mga subject na nakatuon sa pananaliksik.
Natanto ng FILCOLS na hindi sapat ang ganitong background ukol sa karapatang-ari at intellectual property para sa mga nasa akademya, mapa-estudyante man o propesor, lalong-lalo na ang mga iskolar. Kaya naisip ng FILCOLS na magbigay ng libreng panayam sa mga estudyante at propesor sa di-gradwado at gradwadong antas ukol sa dalawang konseptong ito. Noon isinilang ang panayam na IP in the Age of Jejemon.
Ang mga estudyante ng Economics sa UST ang naging unang mga tagapakinig.
Ang panayam ay ibinigay ni Ginoong Buenaventura sa wikang Filipino at tadtad ng mga halimbawa at sitwasyong matatagpuan sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya’t madaling naunawaan ng mga estudyante. Ipinaliwanag din ni Ginoong Buenaventura ang ugnayan ng intellectual property at ng ekonomiya ng Pilipinas upang ipakita sa mga estudyante kung paanong naaapektuhan ng mga pirata (gumagawa ng mga pirated na produkto) at ang pagtangkilik sa produkto ng mga ito ang kabuhayan ng kapwa nila Filipino.
Ang nabanggit na panayam ay hatid ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. (FILCOLS), UST Economics Society sa pangunguna ni Aldric Arriola, Department of Economics sa pangunguna ni Prop. Alma Aileen Almario-Miguel at ng UST College of Commerce and Business Administration sa pangunguna ni Dekana Socorro F. Calara.
Ang nagbigay ng pondo para sa ganitong gawain ng FILCOLS ay ang Norwegian Copyright Development Association (NORCODE) at KOPINOR. Ang NORCODE ay isang international copyright development group na sinusuportahan ng limang copyright societies: ang KOPINOR,GRAMO, TONO,BONO at ang NORWACO. Ang KOPINOR naman ay ang reproduction rights organization (RRO) ng Norway. Ang FILCOLS ang RRO ng Pilipinas.
Hinihikayat ng FILCOLS ang mga tagapangulo ng mga unibersidad at kolehiyo na magdaos ng mga katulad na gawain sa kani-kanilang paaralan. Ito ay para na rin sa paglilinang ng mas responsableng mga kasapi ng akademya, estudyante, propesor, mananaliksik at manunulat.
Bukas ang FILCOLS sa mga imbitasyon at/o panukala mula sa loob at labas ng Kalakhang Maynila. Mag-email lamang sa filcols@gmail.com.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment