Birthday ng Human Rights
Tuwing 10 Disyembre ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang Human Rights Day. Ito ay inoorganisa sa pangunguna ng Office of the High Commissioner for Human Rights, isang ahensiya sa ilalim ng United Nations.
Ang Disyembre 10 ay ang petsa ng pagpapatibay ng UN sa dokumentong Universal Declaration of Human Rights o Pandaigdigang Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao.
Ang naturang pagpapahayag ang naging basehan ng mga batas at policy ng maraming bansa tungkol sa human rights.
Mula sa UN declaration, lahat daw ng tao ay ipinanganak na malaya at may angking dignidad. At ang pagrespeto sa human rights ang daan sa isang mapayapa, makatarungan, at maunlad na mundo.
Dagdag pa, ang kalayaan at dignidad ay hindi puwedeng yurakan ng kahit na sino lalo na ng gobyerno. Ang kalayaan at dignidad ay hindi base sa relihiyon, kulay ng balat, antas ng edukasyon, posisyon sa lipunan, pagiging mayaman o mahirap, kasarian, at iba pa.
Katangi-tangi ang taong 2011 sa kuwento ng human rights dahil ito ang taon ng Arab Spring. Milyon-milyong mga tao ang nagtipon, nagpahayag, at nagpabagsak sa mga diktaturyang nagpahirap sa kanila sa mahabang taon.
Ang mga diktador ng Tunisia, Egypt, Lebanon, at iba pang karatig-bansa ay nagsibagsakan na parang mga pitsa ng domino. Si Ghadafy ng Lebanon ay agad na hinatulan ng taumbayan at binaril. Si Mubarak ng Egypt ay kasalukuyang nakakulong at nililitis.
Maraming natutuwa dahil namulat ang mga tao sa kanilang angking karapatan bilang tao. Ang respeto sa human rights ang siyang naging batayan ng mga botante sa unang eleksiyon na ginanap sa Egypt. Halos 30 years din silang walang layang pumili ng lider at gobyerno.
Ang authors, artists, at iba pang manlilikha ay madalas na kinukulong dahil mapanganib ang kanilang mga gawa sa mata ng mga diktador.
Kaya nakasaad din sa Universal Declaration of Human Rights ang mga karapatan ng mga alagad ng sining. Ito ang sinasabi ng Artikulo 27.2 “Ang bawat tao’y may karapatan sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal bunga ng alinmang produksiyong pang-agham, pampanitikan, o pansining na siya ang may-akda.”
Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.
No comments:
Post a Comment