Binubuksang muli ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang kilala at pinakamatagal nang aktibong kapisanan ng mga makata sa wikang Filipino ang Taunang Klinikang Pampanulaan para sa mga nais lumahok. Ang lingguhang klase tuwing Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng iilang klase hanggang Nobyembre.
Kabilang sa mga pag-aaralan sa kabuuan ng palihan ay tradisyonal na pagtula, mga anyong pampanulaan, kasaysayang pampanulaan, at iba pang mahahalagang isyung pampoetika. Ang palihan ngayon ay nasa pamamahala ng batikang makata at gurong si Dr. Michael M. Coroza, at patuloy na paggabay ng tagapagtatag at tagapayo ng LIRA, Pambasang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario.
Kabilang sa mga regular na guro ng palihan sina Fidel Rillo, Vim Nadera, Rebecca T. Anonuevo, Roberto T. Anonuevo, Romulo Baquiran Jr., Jerry Gracio, D.M. Reyes, Marne Kilates, Ergoe Tinio, Nanoy Rafael, at Dr. Edgar Samar.
Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sapalihanglira@gmail.com. (Hindi tatanggapin ang mga tulang nakasulat sa Ingles at ibang wika.) Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga pangangailangan sa pigeon hole ng LIRA sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman, 1101 Quezon City.
Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2012.
No comments:
Post a Comment