Ang Papel ng National Library
Alam mo bang ang Bible ay isang library?
Oo. Isa itong maliit na library dahil binubuo ito ng iba’t ibang libro na isinulat ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang lugar at panahon.
Mahalaga ang library dahil ito ang siyang nagiging treasure chest ng mga tradition, kultura, at kasaysayan.
Noong gawa pa sa putik ang mga libro, ito ay niluluto sa pugon para tumigas. Baked books kumbaga. Libo-libo ang baked books na nadiskubre sa Nineveh, isang lumang city sa Iraq.
Ang mga Greek ay meron ding library at isa sa pinakasikat ay ang Library of Alexandria. Ito ang nagsilbing sentro ng kultura at pagkatuto bago sumikat ang mga Romano.
Ang library naman ng mga Romano ay kadalasang nahahati sa dalawang uri. Ang isa ay para sa mga librong nakasulat sa Greek at ang isa ay para sa mga nakasulat sa Latin. Parang ngayon, may English at Filipino books section.
Siyempre ang mga Chinese, hindi magpapahuli. Meron silang mga libro na nakasulat sa silk. At pati ang lalagyan ay gawa sa silk. Wala tayong panama doon.
Noong bumagsak ang Roman Empire, at nagkagera-gera sa Europa, mahalaga ang mga library sa loob ng mga monasteryo at simbahang Katoliko dahil sila ang nagtatago ng mga sinaunang libro.
Marami sa mga bagong kaalaman natin ay mula sa mga librong inalagaan ng mga monk. Halimbawa ay ang buhay ni Julius Ceasar, mga kaalaman tungkol sa algebra, geometry, at philosophy.
Kaya lahat ng mga bansa mayaman o mahirap man ay gumagawa ng paraan para makapagtayo at makapagbukas ng sariling National Library.
Meron na tayong maliit na library noong 1887 na nasa Intramuros. Itinaguyod ito ng mga Espanyol. Pero nagkaroon lang tayo ng talagang National Library natin noong panahon na ng mga Kano, sa pamamagitan ng Act no. 96 ng Philippine Commission noong 1901.
Oo, 110 years old na ang ating National Library! 'Yong building sa T. M. Kalaw ay naitayo lang noong 1961. Medyo late na. Maraming lugar ang pinaglipat-lipatan bago tayo nagkaroon ng permanenteng building.
Kung ang Bible ang siyang naging mobile library ng mga Kristiyano at naging instrumento sa pagpapalaganap sa kuwento ni Jesus, ang ating National Library at mga satellite librariy nito ang instrumento sa pagpapalaganap sa kuwento ng mga Pinoy para sa mga kabataan at sa mga dayuhan.
Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.
No comments:
Post a Comment