Wednesday, November 9, 2011

NOBYEMBRE 2011- 15th Philippine Book Development Month

NOBYEMBRE 2011- 15th Philippine Book Development Month

9 Nobyembre 2011

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS

Ang Philippine Book Development Month ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre.

Ang selebrasyon ay pinangungunahan ng National Book Development Board. Isang ahensiya ng gobyerno ang NBDB na inatasan ng batas na palaguin ang industriya ng paglilimbag ng libro sa bansa.

Ang mga paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa ay may kanya-kanyang pakulo sa pagdaraos ng buwan ng pagpapalago ng Pinoy books. May mga poster making contest, storytelling session, at read along ng mga sikat at papasikat pa lang na mga akdang Pinoy.

Ang highlight ng selebrasyon para sa 15th Philippine Book Development Month ay ang Manila International Literary Festival.

Bukod sa sikat na Pinoy authors tulad nina Butch Dalisay at Jun Balde, nag-imbita rin ang NBDB ng mga foreigner tulad nina Junot Diaz at Edward P. Jones.

Si Dalisay ang nagsulat ng “Soledad’s Sister” na short-listed sa Man Asian Literary Awards. Napakarami na niyang naisulat na akda bukod sa Soledad’s Sister.

Ito namang si Balde, tatlo sa kanyang sampung aklat ay tumanggap ng National Book Award.

Si Diaz ang sumulat ng nobelang “The Brief Wondrous Life of Oscar Wao.” Nagwagi siya ng Pulitzer Prize para sa akdang ito.

Samantala, si Jones naman ang nagsulat ng “The Known World” na nanalo rin ng Pulitzer Prize.

Ang Pulitzer Prize ay itinaguyod sa Amerika ng publisher na si Joseph Pulitzer para sa magagaling na akda sa larangan ng journalism, literature, at music. Maliban sa sertipiko ay may premyo ring sampung libong dolyares ang akdang mapipili.

Bakit kailangang pagtagpuin sa Manila International Literary Festival ang mga Pinoy at foreigners? Kasi sa pamamagitan ng mga ganitong event, lalong lumalago ang publishing industry.

Natututo ang mga Pinoy sa mga bisita. At nakikilala naman ng mga dayuhan ang mga Pinoy author at ang mga gawa nila. Ito ang nagiging daan para sa mga joint publishing venture o di kaya ay distribution ng Pinoy works sa kanilang mga bansa.

Tatlong araw ang festival at siyempre pa, kasama sa mga pag-uusapan ang mga paksang tulad ng pagsusulat sa Regional Language, ang Philippine Children’s Literature for the World, at iba pa.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.manilaliteraryfestival.com at ang www.nbdb.gov.ph. Halina’t samahan kami sa pagdiriwang ng Philippine Book Development Month!

Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

No comments:

Post a Comment