Thursday, October 27, 2011

LIRA, Wagi bilang Isa sa Ten Accomplished Youth Organizations ng Bansa!

Kanina ay pinarangalan ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa 2011. Ginanap ang paggawad sa Palasyo ng Malakanyang ganap na alas-onse ng umaga ngayong Oktubre 27, 2011. Ang nagbigay ng pandangal na pananalita ay walang iba kundi ang pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino.

Ang nasabing gawad ay itinataguyod ng TAYO Foundation at National Youth Commission.

Ang LIRA ay isa sa mga organisasyon ng manunulat na mahigpit ang pakikipag-ugnayan sa FILCOLS para sa pagkakaroon nila ng Intellectual Property Officer sa kanilang grupo sa hinaharap.

No comments:

Post a Comment