The inventor of Apple joined the Creator of apple
Naglipana kamakailan sa mga status sa Facebook ang “RIP, Steve Jobs.”
Isa sa mga malikhaing FB status na nabasa ko ay ang sa FILCOLS member na si Leo Almonte: the inventor of Apple joined the Creator of apple.
Sino nga ba si Steve Jobs? At bakit maraming tao sa buong mundo ang nakiramay sa pagpanaw niya?
Wala akong iPhone at iPad. Ang mahal kasi. Hindi rin ako naglagay ng status sa FB na related sa pagpanaw ni Steve Jobs. Pero gusto kong pag-usapan natin si Steve Jobs bilang Intellectual Property creator.
Ang biological father niya ay isang exchange student mula sa Syria. Nabuntis niya ang girlfriend na isang Amerikana. Dahil ayaw ng mga magulang ng babae na magsama sila at hindi pa nila kayang magpamilya ay ipinaampon si Steve sa isang mag-asawang Amerikano na pawang manggagawa.
Nakatapos ng high school si Steve. At naka-isang semestre sa kolehiyo. Agad niyang nakita na sayang ang ibinabayad ng mga magulang niya sa tuition dahil parang hindi niya magagamit sa totoong buhay ang mga itinuturo doon. Hindi na niya tinapos ang kolehiyo. Pero masipag siyang mag-isip, magbasa, makinig, at tumingin sa mundo nang pabaliktad. Naging hobby niya ang magbuwag ng status quo.
Ano ang ibig sabihin ng status quo? Ito ay ang lagay ng buhay na nakagawian na. At dahil ito na ang kalakaran sa buhay ay wala nang gustong palitan pa ito. Hassle pa kasi pag pinalitan ang nakagawian. Panibagong adjustment. Panibagong pag-aaral.
At nakaka-inis mag-adjust. At lalong nakakabagot mag-aral.
Mas okay ang status quo. Alam mo na ito so parang robot ka na lang. Di na kailangang mag-isip o magka-dilemma sa pagpili ng desisyon.
Pero binuwag ni Steve ang status quo sa pamamagitan ng pag-iisip nang iba mula sa nakagawian.
Ang motto ng kumpanyang Apple ay “Think different.” Ang Apple ay itinatag ni Steve kasama si Steve Wozniak at Ronald Wayne noong 1976. Isinabuhay niya ang pag-iisip ng salungat sa nakagawian at ito ay nagbigay-buhay sa mga bagong gadget tulad ng personal computer na Macintosh. Napakanipis ng latest na MacBook Air laptop. Kasya pa nga ito sa isang brown envelope.
Binuwag ni Steve ang status quo pero hindi niya binuwag ang batas. Ginawa niyang katuwang ang batas sa pagpapalaganap ng kanyang mga imbensiyon. Sumandal siya sa pader ng mga batas ng IP. At kaliwa’t kanan ang mga IP na binigyan ng patent, trademark, at copyright. Na nakapagbigay ng trabaho sa maraming tao di lang sa Amerika kundi sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa New York Times nasa 317 patented products ang hawak ng Apple at kasama si Steve sa mga nag-imbento ng iba rito tulad ng mga PC, computer housing, iPod media player, iPhone electronic device, laptop, keyboard, mouse, monitor, power adapter, at iba pa.
Maliban dito ay si Steve rin ang nagpakilala sa atin kay Woody, Buzz Lightyear, Nemo, at iba pang tauhan dahil sa animation studio niyang Pixar.
Binago ng mga IP ni Steve ang buhay ng maraming tao. Sana ang 'Pinas ay magkaroon din ng maraming IP creators na makakapagbigay ng trabaho at magdudulot ng malaking epekto sa buhay ng ating mga kababayan.
Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

No comments:
Post a Comment