Thursday, September 29, 2011

Buhay na Titik: Mahalaga ang Private Sector sa Reading Campaign

ni Alvin J. Buenaventura ng FILCOLS


Mahalaga ang Private Sector sa Reading Campaign


Kung may mga programa na ang gobyerno para ma-engganyo ang mga tao para magbasa pa nang mas madalas, bakit kailangan pang makipag-partner ito sa private sector?

Kasi two heads are better than one. Ibig sabihin, mas magaling ang resulta ng programa kung may ugnayan at pakikipagtulungan mula sa dalawa o mas marami pang grupo mula sa pribadong sektor.

Ang National Book Development Board ay may malapad na network at kapangyarihan upang hikayatin ang ibang ahensiya ng gobyerno na suportahan ang mga programa nito. Ang private sector naman ay may mga innovative approach at malalim na bulsa para maisulong ang mga programa.

Ang Book Development Association of the Philippines ay itinatag noong 1979 pa. Sila ang grupong nasa likod ng pag-o-organize ng taunang Manila International Book Fair. Tatlumpu't dalawang taon nang pina-aandar ng BDAP ang MIBF. Siyempre marami ring government at private groups na kasama rito. Kaya naman taon-taon ay parami nang parami ang sumasali sa MIBF. Dumarami rin ang mga bisitang bata, teenager, at matanda.

Isa sa mga naging proyekto ng NBDB ang paglalagay ng malaking billboard sa EDSA Guadalupe na may larawan ng TV host na si Tintin Bersola-Babao. Naka-pose si Tintin at hawak ang isang nobelang akda ng isang Pinoy author.

Ganito ang naging partnership ng gobyerno at private sector:

Ang NBDB ang nakipag-usap kay Tintin na magpose nang libre, para sa bayan, ika nga. Nakipag-usap din ang NBDB sa publisher ng libro, sa BDAP, at sa asosasyon ng mga nasa billboard business. Pumayag ang BDAP na mag-donate ng pera para sa printing ng higanteng tarpaulin. At dahil malaking grupo sila at para naman ito sa promotion ng Pinoy books ay malaki rin ang naging donasyon nila. Ang sunod na donasyon ay nagmula sa publisher. At ang asosasyon ng mga nasa billboard business ay inilibre ang isang buwang renta sa billboard space.

Kung hindi nakipag-ugnayan ang NBDB sa private sector ay baka nakapaskil lang ang tarpaulin sa isa sa mga building ng gobyerno. Kung BDAP lang ang gumalaw ay siguradong mas malaki ang ginastos nila dahil magiging “business rate” ang basehan ng singil.

Sa huli ay naging masaya ang lahat. Na-promote ang Pinoy books. Na-engganyo ang mga tao na magbasa pa nang magbasa. At hindi pa gumastos nang malaki ang mga kasama sa proyekto.

Katuwang ng NBDB sa pagpapaunlad ng industriya ang FILCOLS. Para mas maging malalim at malusog ang iyong kaalaman, bisitahin ang websites namin: www.filcols.blogspot.com at www.nbdb.gov.ph.

Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

1 comment:

  1. Hi. I am not sure if this is the right place to ask but do you know if we have a law in the Philippines like this one :
    http://en.wikipedia.org/wiki/Mechanical_license

    If you know anything, please email me back at admin@pumpmixersdj.com

    Thanks!

    ReplyDelete