Mula sa halos 100 aplikante, napili na ang 15 lalahok para sa Ika-apat na Palihang Rogelio Sicat (PRS IV).
Ang mga lalahok sa natatanging pambansang palihan sa malikhaing pagsulat sa wikang pambansa ay sina: (Tula) Philip Anorico, Joshua Diokno, Lolito Go, Ram Hernandez, Louie Jon Sanches, Randel Urbano, Jenny Whil Mesiera Valenzuela; (Mailing Kuwento) Patricia Ruth B. Cailao, Mary Deane Camua, Jesus Catigan Insilada, Pia Montalban, Anna Cristina G. Nadora, Renato R. Santillan, Karl Ivan Dan V. Orit; (Sanaysay) Ipelineo Soco.
Sina Efren Abueg, Rogelio Ordoñez, at Elmer Ordoñez, pawang mga pangunahing “Marami ang mahuhusay na entry sa record-breaking na bilang ng mga lumahok ngayon. Gayumpaman, labinlima lamang ang slots ng workshop,” ayon kay Dr. Jimmuel Naval, Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) ng Unibersidad ng Pilipinas at Direktor ng Palihan.
manunulat mula sa Cavite ay ang mga panauhing tagapagsalita at panelists ng palihan. Ang iba pang panelist ng palihan ay bahagi ng kaguruan ng DFPP tulad nina Jun Cruz Reyes, Rosario Torres-Yu, Bernadette Neri at Luna Sicat-Cleto na dadalo rin bilang kinatawan ng pamilyang Sicat, ang pamilya ng haligi ng panitikang Filipino na si Rogelio Sicat. Magbibigay naman ng panayam sina Abdon Balde, Jr. ukol sa pagsusulat sa popular na anyo at Alvin Buenaventura ng FILCOLS, ukol sa copyright at mga kaugnay na karapatan ng mga manunulat at publisher.
Ang DFPP at ang Cavite Young Writers’ Association ang pangunahing tagapagtaguyod ng PRS IV. Gaganapin ang PRS IV sa Alfonso Hotel, Alfonso, Cavite sa 26-29 ng Mayo.
“Sa halos 100 lahok, marami ang nagmula sa labas ng Metro Manila. May mula pa sa Cagayan de Oro at Davao, Iloilo at Negros, Kabikulan at Hilagang Luzon,” dagdag pa ni Prop. Reuel Molina Aguila, Direktor ng Palihan.
Inaasahang darating ang ilang kasapi ng CYWA sa ikatlong araw ng palihan upang maging bahagi rin ng espesyal na palihan para sa kanila. Maging ang mga guro mula sa Cavite ay iniimbitahan na dumalo sa ikatlong araw na ito upang makinig at mag-observe. Para sa mga gurong interesado sa paglahok, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.
Katuwang ng DFPP at CYWA sina Congressman Roy M. Loyola ng ikalimang distrito ng Cavite, Governor Juanito Victor Remulla, Jr. at marami pang organisasyon at politikong may pagkiling sa pagpapalago ng panitikan at kulturang Filipino kabilang na Responde Cavite at ang Filipinas Copyright Licensing Society o FILCOLS.
Isinulat nina Reuel Aguila at Beverly W. Siy.
No comments:
Post a Comment