IP Rights sa Konstitusyon
Ang Intellectual Property Rights ng scientists, writers, artists, at iba pang malikhaing tao ay pinapahalagahan ng Konstitusyon o Saligang Batas ng Pilipinas.
Ayon dito: The State shall protect and secure the exclusive rights of scientists, inventors, artists, and other gifted citizens to their intellectual property and creations, particularly when beneficial to the people, for such period as may be provided by law. (Article XIV, Sec. 13)
Obligasyon ng State o gobyerno na bigyang proteksiyon at seguridad ang karapatan ng mga malikhaing mamamayan sa kanilang mga IP at mga gawa o akda.
Ang mga taong may likas na talino at galing ay lumilikha ng mga bagay na nakakatulong sa bayan. Halimbawa, ang mga scientist ay nakakatuklas ng mga bagong gamot; ang mga imbentor ay nakakagawa ng mga bagong produkto na solusyon sa problema ng tao; ang mga artist ay nakakapagbigay-aliw sa pamamagitan ng bagong sayaw, musika, painting, o sculpture; ang mga writer ay nakakapagsulat ng bagong nobela, tula, o aklat pambata and at the same time, nakakapagbigay ng bagong pagtanaw sa buhay.
Halimbawa, dahil sa mga romance novel ni Martha Cecilia, marami ang nagkaroon ng inspirasyon sa pag-ibig, marami ang naaliw, at higit sa lahat, maraming negosyo ang umusbong na nakapagbigay ng trabaho.
Dahil sa malikhaing isip ni Martha Cecilia ay lumabas ang series na “Kristine.” Ito ang naging ugat na isang telenovela na pinagbibidahan ng paboritong artista ng biyenan mo, si Cristine Reyes! At nagbigay ito ng trabaho sa mga artista at iba pang katuwang na nagtatrabaho sa TV industry. Siyempre marami ang nanood at nag-enjoy. Na dahilan upang marami ang mag-advertise at makabenta ng kanilang mga sabon, telecom service, shampoo, at iba pang produkto.
Kung hahayaan lang ng gobyerno na piratahin ang mga IP ng kanyang mamamayan ay para na rin niyang hinayaang matuyot ang kanyang bayan. Tuyot sa mga bagong akda. Tuyot sa inspirasyon. Tuyot ang negosyo at kabuhayan ng marami na umaasa sa malikhaing isip ng authors.
Kung ang Konstitusyon ay nagpapahalaga sa IPR ng ating mga kababayan, dapat ay magsimula ka na ring pahalagahan ito. Madali lang naman, e. Una ay talikdan ang mga pirata at produkto nila.
Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.
No comments:
Post a Comment