World Book and Copyright Day
Bakit tuwing Abril 23 ay nagsasaya ang lahat ng book worms at bibliophile sa buong mundo?
Sapagkat ito ang World Book and Copyright Day o Pandaigdigang Araw ng mga Libro at Karapatang-sipi.
Ang pagdiriwang na ito ay itinalaga ng UNESCO o United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization simula pa noong 1995. Inaanyayahan ng UNESCO ang mga bansang kasapi nito na gumawa ng mga gimik para lalo pang mahalin ng mga tao ang libro at gawing bahagi ng kanilang kultura ang pagbabasa. Siyempre kasama rin dito ang paggalang sa copyright ng mga author.
Sa Pilipinas, ang mga ahensiyang nangunguna sa selebrasyon ng World Book and Copyright Day ay ang National Book Development Board (NBDB) at ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPO PHL).
Ang NBDB ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na sumusuporta at nagpapalago sa industriya ng paglilimbag ng libro sa Pilipinas. Binuo ang ahensiya sa pamamagitan ng Republic Act 8047 o Book Publishing Industry Development Act of 1995.
Ang IPOPHL naman ay ang ahensiya ng gobyerno na pangunahing layunin ang mabigyan-proteksiyon ang intellectual property (IP) ng mga siyentipiko, imbentor, artists, at iba pang malikhaing mamamayan.
Ang IP ang siyang nagpaunlad sa maraming bansa tulad ng Japan, US, Germany, at Singapore. Ang IP ng mga Pinoy at Pinay ang siya ring makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan. Binuo ang IPOPHL sa bisa ng Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines noong 1998.
Sa ibang bansa, kanya-kanya ng gimmick sa pagdiriwang. Halimbawa sa Spain, nagkakaroon ng pagbasa ng sikat na nobela ni Cervantes na “Don Quixote.” Non-stop ang pagbasa ng nobela, parang pabasa ng pasyon dito sa atin tuwing Mahal na Araw. Sa UK naman, ang mga guro at estudyante ay nagko-costume para maging kamukha ng paborito nilang tauhan sa libro.
Katuwang ng NBDB ang IPOPHL sa pagtataguyod ng book industry, pagkilala at pagprotekta sa karapatan ng mga author, at pakikipagtulungan sa mga pribadong organisasyon tulad ng mga samahan ng mga author, publisher, at iba pa.
Madalas ay gumagawa sila ng mga event para matulungan ang mga author lalo na sa kanilang “copyright issues.” Nag-oorganisa sila sa talks na nakatutok sa karapatan ng mga author, sa pagkakaroon ng patas na kontrata para sa kanila at mula sa hanay ng mga publisher, sa mga bagong estilo at trends ng pagsusulat, at kung papaano nila madadala sa market ang kanilang mga akda.
Ang pandaigdigang selebrasyong ito ay nag-ugat sa Catalonia, Spain. Noong Middle Ages ay ipinagdiriwang ang pista ni St. George. Binibigyan ng kalalakihan ang kani-kanilang mga girlfriend ng mga rosas. Naisip ng mga publisher sa Catalonia noong 1920s na dapat ang tugon ng mga babae sa rosas ay pagbibigay ng libro. Exchange gift kumbaga. Kapalit ng rosas ay libro. Naging masigla ang book industry sa Catalonia tuwing Abril 23 dahil dito. Mas maraming rosas at libro ang nabenta. At siyempre, ang lahat ay masaya. Babae man o lalaki.
Nakita ng UNESCO ang kasikatan ng pistang ito at naging sikat din ang petsa dahil maraming sikat na authors ang ipinanganak o namatay nang Abril 23 tulad nina William Shakespeare, Miguel de Cervantes, Vladimir Nabokov, at iba pa. Kaya noong 1995, ginawa na itong pandaigdigang pagdiriwang.
Kaya simula ngayon, para mas marami pa ang sumaya, yayain mo na ang biyenan mo na samahan kang makisali o manguna sa mga event tuwing Abril 23: ang pagdiriwang ng World Book and Copyright Day.
Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

No comments:
Post a Comment