Tuesday, July 10, 2012

Paglulunsad ng dalawang aklat ng FILCOLS member na si Edgar Calabia Samar

Inihahandog ng UST Publishing House sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila; Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA); at ng Heights: Ang Opisyal na Publikasyon at Organisasyong Pampanitikan at Pansining ng ADMU ang Pagkawala at Pagka-ilanlang: Paglulunsad ng Dalawang Aklat ni Edgar Calabia Samar.

Tampok ang nobelang "Sa Kasunod ng 909" at aklat ng sanaysay na personal at kritikal, ang "Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela."

Magaganap sa isang araw ang sabay na lungsad sa Hulyo 17, 2012 4:30-6:00 PM sa Escaler Hall, Ateneo de Manila University at 7:00-9:00 PM sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue.

Si Edgar Calabia Samar ay isang guro sa Ateneo at nagging pangulo ng LIRA. Isa siyang makata at nobelista.

No comments:

Post a Comment