Inaanyayahan ang mga bakla, lesbiyana, at transgender na manunulat na mag-ambag ng mga kuwentong pangkabataan (young-adult fiction) na nagtatampok ng mga positibo at mapagpalayang imahen, karanasan, kaakuhan, at pag-iral ng kabataang bakla, lesbiyana, at transgender sa Pilipinas.
Layunin ng antolohiyang ito na makapaglaan ng komunidad, at espasyong madadaluyan ng iba’t ibang usaping kinahaharap ng mga kabataang homoseksuwal sa Pilipinas (hal. coming out/paglalantad, diskriminasyon, kalusugan, komunidad, at iba pa). Ang mga kuwento ay maaaring pumaloob sa kategorya ng realismo, pantasya, romantiko, horror, at iba pa. Subalit kinakailangang pinakatampok pa rin dito ang “positibo” at “mapagpalayang” diskursong homoseksuwal ng kabataan.
Inaasahang handa ang mga manunulat na ihayag ang kanilang tunay na pangalan kung kaya’t hindi tatanggap ng mga akdang nasa ilalim ng sagisag-panulat.
Mga kailangang isaalang-alang sa pagkatha ng bakla, lesbiyana, at transgender na kuwentong young adult:
Nakadisenyo ang banghay ng mga kuwento para sa mga young-adult na mambabasa (may gulang na 12 hanggang 16);
Nagtatampok ng karanasan ng kabataang homoseksuwal at/o transgender;
Dalawang susing salita (key words) ang magiging gabay sa pagsulat: “mapagpalaya” at “positibo”;
Nasusulat sa Filipino (Ang mga akdang nasa wikang bernakular o kaya’y Ingles ay kinakailangang may salin sa Filipino);
Lima hanggang labinlimang pahina lamang (8.5x11, double-spaced);
Isang kuwento lamang ang maaaring mailathala ng bawat manunulat; at
Dapat maging bukas ang manunulat para sa rebisyon.
Ipadala ang inyong akda at maikling bionote sa e-mail address na ito: kuwentong.kabataan@gmail.com. Ang huling araw ng pagpapasa ay sa Setyembre 6, 2012.
Reposted with permission from panitikan.com.ph.
No comments:
Post a Comment