Monday, May 5, 2014

Maglulunsad ng nobelang pang-young adult ang FILCOLS Member na si Edgar Samar!

Inaanyayahan ang lahat sa paglulunsad ng nobelang Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, ang unang aklat sa seryeng likha ni Edgar Calabia Samar. Magkita-kita po tayo sa Adarna House Showroom nang 3:00 NH sa Sabado, ika-10 ng Mayo para sama-sama nating salubungin si Janus sa isang munting salusalo.
Mabibili ang libro sa halagang Php140.00 (mula sa regular na presyong Php175.00) sa Sabado. Inaanyayahan rin ang lahat ng nakapagbasa na ng libro upang magpapirma at makipagkuwentuhan sa may akda tungkol sa nobela.
Ito ang una sa mga serye ng kuwentuhan para sa #JanusSilang ngayong buwan. Abangan ang aming balita tungkol sa mga susunod pa sa mga parating na araw.
Para sa mga katanungan, maaring makipag-ugnayan sa (02) 3526765 local 118.

No comments:

Post a Comment