Ikinalulugod na inaanyayahan ng Adarna House at Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University ang lahat ng guro, mananaliksik, at mag-aaral ng wika at panitikang Filipino sa paparating na Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Gaganapin ang kumperensiya sa ika-3 hanggang ika-5 ng Abril, 2013 (Miyerkoles hanggang Biyernes) sa Escaler Hall ng Ateneo sa Loyola Heights, Quezon City.
Ang kumperensiyang ito ay iikot sa temang Wika at Panitikan sa Silid-Aralan. Si Virgilio S. Almario, bagong puno ng Komisyon sa Wikang Filipino at ang punong tagapagtatag ng FILCOLS, at si Dr. Isagani Cruz, ang kasalukuyang tagapangulo ng FILCOLS, pambansang sangguni sa K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga magsisilbing tagapagsalitang pandangal. Papaksain ni G. Almario ang halaga ng wika sa pagtataguyod ng kultura at pambansang pagkakakilanlan, habang tatalakayin naman ni Dr. Cruz ang usapin ng wika sa kurikulum ng basic education.
Para sa dagdag na detalye, pumunta sa link na ito:
http://adarnahouse.wordpress.com/2013/02/07/abril-3-5-ikalawang-kumperensiya-sa-pagtuturo-sa-filipino/
No comments:
Post a Comment