Thursday, August 25, 2011

Joint Ventures ng Pinoy at Foreign Publishers

25 Agosto 2011

Buhay na Titik
ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS

Isa sa mga strategy ng gobyerno para mapaunlad ang industriya ng paglilimbag ng libro ay ang pagbibigay-daan para magkaroon ng joint ventures ang mga publisher na Pinoy at foreigner.

Ang National Book Development Board ang ahensiya ng gobyerno na siyang inatasan ng batas na paunlarin ang book publishing industry.

Bakit isinusulong ng NBDB ang joint ventures? Baka gastos lang ito at wala namang mapapala ang mga Pinoy dito. Di ba luma at laos na ang mga makinarya ng mga Pinoy publisher kaya lugi lang tayo sa ganitong sitwasyon?

Hindi po.

Ang joint ventures ng mga Pinoy at foreign publisher ay isang daan para mapalago ang book publishing industry sa bansa. Ito ay matagal nang ginagawa ng mauunlad na publisher sa ibang bansa tulad ng UK at US.

Subukan mong magbuklat ng isang UK o US book. Makikita mo na hindi lang ang bansa nila ang nasa copyright page kundi pati ang iba pang mga bansa. Bakit ganito? Kasi ang publishing ngayon ay pinadali at pinabilis na ng internet.

Halimbawa, ang mga text at images ay isinusulat at ginagawa sa UK. Tapos ay gagawin ang lay-out sa India. Pag naka-lay-out na at ready na ang mga pahina ay ipapadala through email sa Hong Kong. At doon na iyon ipapa-print.

Dahil sa sistemang ito nama-maximize ang talent ng bawat bansa. At marami ang nabibigyan ng trabaho. Nabibigyan din ng training ang mga newcomers. Ang mga nasa UK ay magaling sa research at illustrations. Ang mga nasa India naman ay experts sa lay-out. At ang mga taga- Hong Kong naman ay may mga bagong makina para sa printing na pinatatakbo ng bihasang operators.

Mahalaga ang joint ventures hindi lang dahil sa mga trabahong malilikha nito sa publishing industry at sa pagbubukas ng bagong negosyo kundi dahil sa transfer of technology at ang paglawak ng market para sa mga akdang Pinoy.

Dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga advanced publisher ay nalilipat sa ating local publishers ang mga kaalaman pati na ang technology. Dito tayo lalago at magkakaroon ng lakas para makasali sa global stage.

Katuwang ng NBDB sa pagpapaunlad ng industriya ang FILCOLS. Para mas maging malalim at malusog ang iyong kaalaman, bisitahin ang websites namin: www.filcols.blogspot.com at www.nbdb.gov.ph.

Inaanyayahan ang mga awtor, publisher, o tagapagmana ng copyright na sumali sa FILCOLS. Ito’y para mabigyang proteksiyon ang kanilang mga akda. Kailangan lamang ay mayroon kayong published works kung kayo ay awtor/publisher o nasa inyo ang kapangyarihang magmanage kung heirs kayo ng awtor. Wala pong membership fee. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@gmail.com.

No comments:

Post a Comment