Mahal na Kapatid sa Panulat:
Malugod ka naming inaanyayahang dumalo sa ika-39 na Kongreso ng UMPIL na gaganapin sa Leong Hall Auditorium ng Ateneo de Manila University sa ika-31 ng Agosto 2013, ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Ipagdiriwang sa pagtitipong ito ang ika-150 kapanganakan ni Andres Bonifacio at pagtutuunang-pansin ang kaniyang pagkamanunulat.
Bukod sa pagkakataon upang makapagkumustahan, taunang idinaraos ang kongresong ito upang magkatipon-tipon tayo na nagmumula sa iba’t ibang rehiyon at sektor ng lipunang Filipino upang makapagpalitang-kuro hinggil sa mga usaping may kinalaman sa kalagayan ng ating panitikang pambansa at, higit sa lahat, upang mapangalagaan at maitaguyod ang ating mga karapatan at kapakanan bilang manunulat ng bansa.

Mag-uulat ang ating Tagapangulong si Karina A. Bolasco hinggil sa mga kinasangkutan at pinagtagumpayang aktibidad ng UMPIL sa nagdaang taon. Magdaraos ng Writers Forum na katatampukan nina Leloy Claudio, Axel Pinpin, at Katrina Stuart Santiago bilang mga tagapagsalita. Iinog ang kanilang pagtalakay sa tanong na “May protesta pa ba sa pagsusulat?”
Pinakatampok na bahagi ng ating Kongreso ang pagkakaloob ng “Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas” sa mga piling kasama natin na nag-ukol ng buong bĂșhay at lakas sa pagsulat at nakapag-ambag sa kabang-yaman ng ating pambansang panitikan. Magkakaloob din tayo ng Gawad Pedro Bucaneg para sa pangkat pampanitikang may malaking naitulong na sa pagsusulong ng panitikan at Gawad Paz Marquez Benitez para sa guro ng wika at panitikan na naging bukal ng inspirasyon at karunungan at nakalinang ng mga malikhaing manunulat at kritikal na mambabasa.
Maraming salamat sa iyong pagpapaunlak sa paanyayang ito at magkita-kita tayo sa ating Kongreso sa ika-31 ng Agosto.
Maraming salamat sa iyong pagpapaunlak sa paanyayang ito at magkita-kita tayo sa ating Kongreso sa ika-31 ng Agosto.
Lubos na sumasaiyo,
MICHAEL M. COROZA
Kalihim Pangkalahatan
Kalihim Pangkalahatan
Binigyang-pansin ni:
KARINA A. BOLASCO
Tagapangulo
Tagapangulo
No comments:
Post a Comment