Book Launch Event: Modern Tsinoy Plays: TIME WAITS and Other Plays by Debbie Ann L. Tan Published by The Bookmark, Inc. –– January 23, 2013 3:00 PM, MMJ Foyer, Miriam College, Katipunan Avenue, Quezon City.
For more details about the book, check Facebook account of The Bookmark, Inc. Filipino Bookstore.
See you there!
Rebyu
Ang aklat na “Modern Tsinoy Plays: Time Waits and Other Plays” ni Debbie Ann L. Tan ay tunay na paglalarawan ng mga “yin at yang” sa buhay ng tao. Ito ay salamin ng mga tunay na kaluluwa na ang mga tinig ay nagsasalimbayan sa kulturang Tsino at Filipino. Dahil ako rin ay may lahing Tsino, (ang aking Lolo ay purong Tsino) may loob akong basahin nang may galak ang kanyang aklat. Nakikita ko rin ang aking sarili na gumagalaw sa ilan niyang mga tauhan.
Ang pabalat ng aklat ay lubhang kahali-halina. Gustong-gusto ko ang paglalaro ni Tan sa iba’t ibang kulay ng buhay. Waring sinasabi ng mga kulay na ito ang maraming emosyon ng tao. Nakakahalina rin para sa akin ang kanyang sariling dibuho sa pabalat. Ang hugis nitong bilog ay isang simbolo ng walang katapusang pakikihamok ng tao sa bawat sandali ng kanilang pag-iral sa mundo. Ang susun–susong mga kurba sa gilid ng bilog na nasasakupan ng mababangong bulaklak ang halimuyak ng tagumpay.
Debbie, Kaibigan, Mabuhay ka!
Dr. Teresita Cruz–Arceo
Propesor, Miriam College,
Katipunan Avenue,
Loyola Heights, Quezon City
Ang rebyu ay muling inilathala rito nang may permiso mula kina Dr. Cruz-Arceo at Debbie Ann Tan.
No comments:
Post a Comment