Ang Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino ay magbibigay ng talumpati sa 24 Agosto 2012 bilang bahagi ng UMPIL Congress na gaganapin mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon sa Silangan Hall, Cultural Center of the Philippines.
Ang talumpati ni P-noy ay pinamagatang "Ang Halaga ng Panulat sa Daang Matuwid."
Bukas ito sa lahat ng manunulat na interesadong dumalo. Makipag-ugnayan lamang kay Dr. Michael Coroza, ang secretary general ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) sa 0947-7219249.
No comments:
Post a Comment