Thursday, January 12, 2012

Bob Ong on E-book, piracy, copyright, reproduction of books and more

Mula sa Frequently Asked Questions
(Bob Ong Pinoy for Dummies)

Q: Totoo bang may E-book version ang mga libro ni BO?
A: Kung meron man, ilegal na mga kopya; walang kabayaran na natatanggap si BO at walang donasyon na napupunta sa mga organisasyon na umaasa sa tulong ng mga mambabasa. Hindi sinusuportahan ni BO ang E-books dahil aksaya lang sa natural resources ang pagkain nito ng kuryente. Sa pagtangkilik ng E-books, tinatalikuran mo ang pagkakataong makatulong sa mga kapuspalad, ninanakawan mo maging ang likas na yaman ng planeta, at pinagkakaitan mo ng pasasalamat ang isang poging Filipino author. Hindi ka cool, at bagay sayo ang pangalang Lucifer.

Q: Gusto sana naming i-review o i-publish ang isang bahagi ng libro para sa aming magazine o website, paano ba kami hihingi ng permiso?
A: Ipaalam lang sa book_inquiry[at]visprint.net. Paalala po na hindi lang "isang bahagi ng libro" ang pagkopya mula page 9 hanggang page 26.

Q: Gusto sana naming gumawa ng mga t-shirt, sticker, payong, at mga wallclock na may design ng BobongPinoy at Bob Ong Books, pwede ba yon?
A: Hindi po. Ang Bobong Pinoy, kasama na ang pabalat at nilalaman ng mga libro ni Bob Ong, ay copyright materials na hindi maaaring gamitin sa anumang produkto nang walang nasusulat na permiso mula sa may-ari.

Q: Gusto ko sanang gamitin ang mga libro ni BO para sa assignment sa school, paano ba ko hihingi ng permiso?
A: Kung gagawan mo lang ng buod o illustration o mga bagay na tulad nito, at hindi mo naman ire-reproduce ang libro para i-distribute sa ibang tao, di mo na kailangan humingi ng permiso. Basta't isaad lang ang pangalan ng libro, author, at publisher sa iyong trabaho bilang acknowledgment, at magbayad ng kalahating milyong piso bilang donasyon.

Ito ay ni-repost mula sa http://www.visprint.net/publications/bob/faq.htm
nang may pahintulot mula kay Mam Nida G. Ramirez ng Visprint.

Basahin ang buong FAQ page ni Bob Ong sa http://www.visprint.net/publications/bob/faq.htm upang matuto at the same time ay ma-entertain.

No comments:

Post a Comment