Kaarawan ngayon ni Janus Silang (pero dahil lang hindi leap year, kasi ika-29 ng Pebrero talaga dapat), ang bida sa serye ng kaniyang pangalan at nilikha ng FILCOLS Member na si Edgar Samar. Kilalanin siya sa unang kabanata ng unang nobela, Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon. Matatagpuan ang unang kabanata sa TALArchives.netat sa Wattpad.
Lalabas ang unang nobela sa Mayo ng taong ito.
Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!